^

Pang Movies

CCTV ng hotel, nilabas ng NBI!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa
CCTV ng hotel, nilabas ng NBI!
Sandro Muhlach.
STAR/ File

Inilabas na ng NBI ang CCTV footages ng hotel kung saan nagpunta si Sandro Muhlach sa imbitasyon ng indepen­dent contractors ng GMA na inirereklamo niya ng pang-aabuso.

Nakita ang footage nang dumating siya sa hotel kung saan naroroon sina Jojo Nones at Ri­chard Cruz ilang minuto makalipas ang alas kuwatro ng umaga. Normal ang lakad niya hanggang sa makapasok sa kuwaro nina Nones at Cruz.

Sa loob ng kuwarto ay walang CCTV, natural naman iyon. Ang sumunod na foo­tage mula sa CCTV ay mga lampas alas-sais ng umaga, parang taranta at nagmamadaling umalis si Sandro sa hotel ang sumunod ay ang CCTV ng Marriott hotel kung saan naman sila naka-check in ng kanyang mga kaibigan. Halata mong nanlalata si Sandro at napaupo pa siya sa harapan ng elevator habang hinihintay niya ang mga kasamang susundo sa kanya.

Sa analysis ng NBI sa CCTV footage pa lang, parang nakikita na nila ang trauma noong bata, at mukhang nanlalata siya kaya sinasabi nga ng mga nakakita ng video na mukha ngang may pang-aabusong nangyari, kasi hindi na nga normal ang kilos niya matapos siyang umalis sa kuwarto nina Cruz at Nones.

Pero may nagtatanong, ano raw ba ang nangyayari at hindi makasagot si Sandro sa senate hearing.

Maski na mga doctor ang tanungin ninyo, mahirap talagang sumagot sa mga ganyang tanong ang isang taong may trauma. Ganyan ang sitwasyon ni Sandro na pinatunayan naman ng mga doctor ng NBI.

Gerald, may nilinaw

Mahirap din lalo na iyong nangyari kay Gerald Santos dahil ang feeling niya ay napagkaisahan pa siya at hindi siya nabigyan ng hustisya. Lumakas lang ang loob niya at lumantad matapos na makita niyang may nangyari kay Sandro Muhlach na katulad sa nangyari sa kanya.

Pero nilinaw niya na hindi GMA ang kanyang kalaban kundi ang baklang musical director na humalay sa kanya at ang mga kaibigan noon na nagkaisa para siya maalis sa shows na ginagawa niya sa GMA.

Hindi mo naman talaga masisisi ang GMA, hindi naman siguro nakatutok ang executives sa lahat ng kanilang show, at kung may mawala mang talent, naiisip nilang hindi lang nakarating iyon sa show hindi naman nila masusundan ang kilos ng lahat.

At saka noon naman hindi pa siya malaking star para mag-aligaga ang GMA sa kanyang pag-alis. Ni wala nga sigurong nagtanong sa kanya kung bakit siya aalis eh.

Ngayong sinabi na ni Gerald kung bakit siya umalis at saka lang nagsabi ang GMA na hindi naman nila inaalis sa mga show si Gerald.

Caloy, hinihintay umuwi

Si former governor Chavit Singson mismo ang nagsasabi ngayon na hindi raw ma-contact ng kanyang pamilya si Carlos Yulo. Matatandaang may alok pa si Chavit na limang milyong piso kung makikipagkasundo na si Carlos sa kanyang mga magulang.

Pero kakatuwa nga kung bakit hindi nila mahagilap si Carlos Yulo. Hindi man nila ma-contact iyon maaari silang magtanong sa Gymnastics Association of the Philippines ng whereabouts nito. Hanggang sa ngayon kasi ay hindi pa tapos ang ginagawang salubong kay Carlos. Nakikipagkita pa siya sa kanyang mga sponsor, bukod sa pakikipagkita niya sa mga tao at mga kumpanyang nagbigay sa kanya ng incentives matapos na manalo ng dalawang gold sa Paris Olympics.

Hindi mo rin masisisi si Carlos dahil masyado nga siyang busy sa ngayon. Ine-enjoy pa rin niya ang kanyang pagiging Olympic medalist at history ang kanyang ginawa dahil siya ang kauna-unahang Pilipino na nakakuha ng dalawang ginto sa Olympics.

Mukhang gusto rin niyang makapagpahinga nang maayos.

Daniel, all out ang action

Magsisimula na raw ang isang teleserye na bida si Daniel Padilla at hindi siya nag-iisa dahil kasama rin niya sa nasabing serye si Richard Gutierrez.

Malaking bagay iyan, kahit na sabihin mong wala si Kathryn Bernardo kasama naman niya si Richard.

Magsasama sila ni Daniel sa Incognito. Tingnan natin kung ano ang kalalabasan niyan dahil dalawang matinee idols ng magkaibang henerasyon ang bida.

Juday, daring na!

Nagulat kami sa post ni Ryan Agoncillo kung saan nakitang naka-swimsuit si Juday (Judy Ann Santos). First time naming nakita si Juday na ganoon ang suot at napaka-sexy pala niya. Noon kasi, ang tingin kay Juday ay parang chubby type siya.

Tapos ngayon naka-two piece swimsuit, nakaka­­gulat pero maganda ang kanyang dating. Siguro dahil  iyan sa mga susunod niyang project ay  kailangan niyang mag-swimsuit sa mga eksena sa pelikula o sa mga serye.

Hindi naman siguro tututol si Ryan eh siya nga ang nag-post ng sexy pics na kuha rin niya. Hindi ba noon gumawa rin ng photo book ni Juday si Ryan para sa isa niyang pelikulang indie na naglupasay naman sa takilya.

vuukle comment

SANDRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with