^

Pang Movies

Shaira at EA, nag-umpisa nang maghanda sa kasal

SO CHISMIS ITOH! - Ruel Mendoza - Pang-masa
Shaira at EA, nag-umpisa nang maghanda sa kasal
Shaira Diaz.
STAR/ File

Natupad ni Shaira Diaz ang pag-graduate niya sa college.

Sa Instagram Stories ng Unang Hirit host, makikitang tinatanggap nito ang kanyang diploma sa graduation ceremony sa University of Perpetual Help System DALTA. Nagtapos ito ng kursong business admi­nistration major in marketing management.

Natanggap din ni Shaira ang Personal Branding and Achievement Excellence Award. Present naman ang fiance niyang si EA Guzman sa graduation ceremony.

Naghahanda na rin sina Shaira at EA para sa kanilang magiging wedding. Nag-post si Shaira ng black-and-white video kasama si EA sa isang empty place. “And so the wedding preps have officially begun,” caption pa ni Shaira.

Newbie actor, pinatapon sa probinsya

Grateful ang Sparkle actor na si Dylan Menor na napasama sa cast ng Gen Z series na MAKA.

Kuwento niya, dalawang beses siyang sumabak sa audition para makuha ang role sa upcoming youth-oriented show ng GMA Public Affairs.

“Twice kasi kami nag-audition and sa first audition pa lang sabi ko sana makuha ko ‘yung role kasi perfect siya for me dahil mahilig akong kumanta, mahilig din akong mag-acting,” sey niya.

Makakasama niya sa teen show ang kapwa niya Sparkle stars na sina Ze­phanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, Chanty Videla, at May Ann Basa. Makakatrabaho rin niya ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.

Adele, engaged na

Engaged na si Adele sa kanyang boyfriend na si Rich Paul. Sa recent concert ng singer sa Munich, Germany, pinakita niya ang kanyang engagement ring sa audience.

Since 2021 pa may relasyon ang dalawa. Taong 2019 nang makipaghiwalay si Adele kay Simon Konecki, ang ama ng kanyang 11-year-old son na si Angelo.

Nabanggit ni Adele last year na gusto niyang magkaroon ng isa pang anak. At gusto niyang si Rich Paul ang maging ama.

vuukle comment

SHAIRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with