^

Pang Movies

Maris, nilinis agad ang pangalan ni Anthony!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Maris, nilinis agad ang pangalan ni Anthony!
Anthony Jennings at Maris Racal

Alam mo, Salve A., isa kami sa naniniwala na career move (sa part ni Maris) ang dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang longtime (5 years) na relasyon ng dating magkasintahang Maris Racal at Rico Blanco. Lumalabas na si Maris ang humingi ng breakup sa kabila ng magandang takbo ng kanilang relasyon.

Sampung taon na rin sa showbiz si Maris matapos itong mag-2nd place sa 2014 reality show na Pinoy Big Brother: All In na naging pasaporte niya sa kanyang pagpasok sa industriya pero hindi gaanong makaalagwa. Sinubukan na rin ng ABS-CBN at ng Star Magic na siya’y ipareha sa iba, pero hindi ito kinakagat until magsama sila ni Anthony Jennings sa recently concluded hit primetime TV series na Can’t Buy Me Love na pinagbidahan ng DonBelle nina Donny Pangilinan at Belle Mariano. Kahit supporting role lamang ang kanilang ginampanan sa serye, lumutang ang kanilang magandang chemistry bilang magkapareha kaya may kasunod na silang proyekto na sila na mismo ang mga pangunahing bida.

Kahit malaki ang age gap nina Maris at Rico, hindi ito naging sagabal sa kanilang pag-iibigan. Katunayan, mas umangat pa nga ang karera ng singer-actress nang maging sila ni Rico.

Sa ginawang pag-amin nito na wala na umano sila ni Rico, agad niyang nilinis ang pangalan ng kanyang bagong ka-loveteam na si Anthony na ito ang dahilan. Klinaro ng singer-actress na wala umanong third party sa kanilang paghihiwalay ni Rico. Samantala, nabuhayan naman ng loob ang bagong tambalan nina Maris at Anthony ngayong wala na sina Maris at (dating) boyfriend nitong si Rico.

Sina Maris at Anthony nga kaya ang bagong love­team na titingalain?

Abangan!

Barbie, ayaw pag-usapan si Richard!

Simula sa darating na July 31, 2024, araw ng Miyerkules ay mapapanood sa mga sinehan ang horror-suspense-thriller movie na How to Slay A Nepo Baby na pinamahalaan ni Rod Marmol at ginagampanan nina Sue Ramirez, Barbie Imperial, Phi Palmos kasama sina JC Galano, Charm Aranton, Chaye Mogg, Sue Prado, NAIA Ching, Coi Suazo at ang twin brothers na sina Ralph at Phi Gomez. Ito’y produced ng Happy Infinite Productions and released through Viva Films, the same production sa likod ng action-drama film na Karma ni Rhen Escaño na dinirek ni Albert Langitan at tinampukan din nina Sid Lucero, Roi Vinzon, Paolo Paraiso at Krista Miller.

Since sinabihan ang mga dumalong entertainment media and vloggers to avoid asking personal ang insensitive questions, hindi naurirat ang tungkol sa napapabalitang isyu sa pagitan nina Barbie at ex-husband ni Sarah Lahbati na si Richard Gutierrez.

Kung pagbabasehan ang mga litratong nag-viral, nagkasama umano sina Richard at Barbie sa pamamasyal sa ibang bansa.

Barbie was in a previous relationship with Viva actor na si Diego Loyzaga na meron nang anak (girl) sa kanyang non-showbiz girlfriend.

vuukle comment

MARIS RACAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with