^

Pang Movies

Male celeb, binura ng ex sa frame

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Tanggal na ang picture ng isang male celebrity na nakarelasyon ng isang female celeb na mas sikat sa kanya!

Nakadispley ito ang blow up pic nilang dalawa sa bahay na dati nilang tinuluyan.Masaya pa ang  dalawa noon.

Pero something wrong happened sa relasyon nila na nauwi sa hiwalayan. May partner nang iba ang female celeb habang missing in action na ang lalaki.

So one day, nagpatawag ng magtatangal sa picture ng lalaki si female celeb. Ayaw na niyang makita pa ang alaala ng kanilang nakaraan!

May bago na kasing dyowa si girl at happy siya! At kung paano ang ginawang pagtanggal sa picture, naku, madatung si girl kaya nagawan ito ng paraan!

Marian, pahinga muna ulit sa TV

Pahinga muna sa TV series si ­Marian Rivera after My Guardian Alien na magtatapos na.

Feeling sepanx na ang mga Kapuso na bitin sa serye ni Marian.

Naging inspirasyon kasi ang series na gumawa ng kabutihan, maging mapagbigay at mapagpatawad.

Humihiling naman ng extension ang ibang viewers lalo na’t baka magkaroon ng chance na makasal ang character  nina Marian at Gabby Concepcion, huh!

Tuwang-tuwa kaya mga anak ni Yan sa My Guardian Angel!

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with