^

Pang Movies

Julia at Erich, may away?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Julia at Erich, may away?!
Julia at Erich

Uso ang un-follow-han sa Instagram at ang latest na nag-unfollowhan ay sina Liza Soberano at Julia Barretto na in-unfollow daw si Kathryn Bernardo. Sagot ng fans ni Kathryn, hindi sila kawalan.

Hindi na rin naka-follow sa isa’t isa sina Julia B at Erich Gonzales at dito invested ang netizens. Gusto nilang malaman kung bakit dahil ang alam nila, very close ang dalawa at close si Erich sa family nito.

Ipinaalala pa nga ng fans na kaya nakilala ni Erich ang husband niya dahil sa sister ni Julia na si Claudia na ang boyfriend ay brother ng husband ni Erich. Kaya rin daw ipinangalan ni Marjorie Barretto kay Erich ang bunso niya dahil love niya ito.

Pero ngayon, hindi na sila friends, ano nga ba ang nangyari? May magkukuwento ba diyan? 

Carla, ‘di pinaghandaan ang birthday

Birthday ni Carla Abellana noong June 12, at isa sa magandang birthday greetings sa kanya ay ang galing sa management niyang All Access to Artists. Sabi ng Triple A, “To our Primetime Goddess @carlaangeline, we wish you a happy birthday! We hope that you enjoy your special day!”

Wala siyang big birthday celebration at mas ginusto nitong mag-travel. Three days ago, may post ito na nasa Japan pa siya ngayon for her birthday vacation.

Ang simple ng ayos niya sa kanyang travel, pero dahil maganda talaga, lumutang pa rin ang panalo niya sa face card department. Sabi nga ni Gladys Reyes, “Gandang babe tlaga”  ‘yun din ang karamihang comment sa kanya.

Kahapon din, sabay ng birthday niya, nilabas ng GMA 7 ang teaser ng Widows’ War na pinagbibidahan nila ni Bea Alonzo.

Mapapanood ang tarayan ng dalawang aktres na gaganap na mag-best friend at naging ex-best friends. Makikipagbardagulan sa kanila si Jean Garcia na ang husay sa eksena nila ni Bea.

Sa July 1, 8:50 p.m., ang world premiere ng Widows’ War kapalit ng My Guardian Alien.

And speaking of Carla, ipinakita nito kung paano siya gumawa ng handcrafted soap na kapag ina-advertise niya sa carlaangeline-closet, mabilis mag-sold out. Hitsurang cake ang mga ginagawa niyang sabon, gugustuhin mong bumili.

Dennis at David, pinakalma ang basher ni Alden!

Pabirong pinagtulungan nina Dennis Trillo at David Licauco ang basher ni Alden Richards na nag-comment ng “Walang kwenta kaya sa Netflix lang ipapalabas. (hindi lahat ng pnoy may Netflix).”

Ang tinukoy ng basher nito ay ang announcement na sa nasabing streaming na sa July 26 mapapanood ang Pulang Araw.

Sagot ni Dennis, “relax, ipapalabas din sa tv (GMA). Mauuna lang sa Netflix. KALMA BABY KALMA.” Sumagot si David ng “@dennistrillo tama amigo! Baby kalma lang tayo.”

Natawa tuloy ang followers ni Dennis dahil sa Instagram post niya nag-comment ang basher ni Alden.

Goosebumps ang naramdaman ng mga nakapanood ng teaser nito, at ang tagal pa raw ng July 26 at July 29.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with