^

Pang Movies

Showbiz, nagluluksa!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Alam mo, Salve A., wala talagang kasiguraduhan ang buhay ng tao. Mayaman ka man o mahirap, kilala o hindi, lahat tayo ay iisa ang patutunguhan – kamatayan. Hindi nga lamang natin alam kung kailan pero ito’y tiyak na mangyayari.

Naglulukha na naman ang entertainment industry sa untimely demise ng well-loved talent manager na si Leo Dominguez na sumakabilang buhay sa edad na 56 nung nakaraang Huwebes, May 23, 2024.

Personal naming na­kilala si Leo nung kami ay konektado pa sa OctoArts International (recording) at OctoArts Films, both owned and headed by Boss Orly Ilacad. Si Ogie ay contract artist na noon ng OctoArts both sa recording at films kung saan unang nakilala ang singer, songwriter, actor-comedian at host. Isa siya sa talent managers na hindi mahirap pakisamahan dahil napakabait at napaka-supportive nito kaya never kaming nagkaroon ng problema sa kanya maging sa kanyang talent na si Ogie na ubod din ng bait at napaka-professional pagdating sa kanyang trabaho.

Samantala, magkakaroon ng urn visitation kay Leo sa araw na ito ng linggo, May 26, 2024 sa St. Alphonsus Mary de Liguori Chapel 2, Magallanes Village, Makati City mula alas-10 ng umaga hanggang 12 midnight. Magkakaroon din ng mass at 5 p.m. ngayong hapon.

Mula sa amin dito sa Pang Masa, ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga mahal sa buhay na iniwan ni Leo.

Cecile, tagumpay ang two-night concert

Present and big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario, Jr. sa two-night successful concert ng veteran singer-songwriter na si Cecile Azarcon na ginanap sa The Theatre at Solaire last Friday, May 24 and Saturday, May 25, 2024. Special guest performers sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Kuh Ledesma, Jam Morales, Jackie Lou Blanco, Iwi Laurel, Fe de los Reyes, Janno Gibbs,Tim Pavino at Isabella sa unang gabi at sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Katrina Velarde together with Kuh, Janno, Jackie Lou, Fe, Iwi, Jam, Tim and Isabella.

‘A night to remember’ na maituturing ang dalawang gabing concert ni Cecile sa The Theater at Solaire dahil first time niya itong nagawa in her entire career lalupa’t sa Amerika na siya naka-base for the last 40 years since 2004.

Nanghihinayang lamang kami na wala roon sina Basil Valdez, Raymond Lauchengo at Chiqui Pineda, ang tatlong sikat na mang-aawit na siyang nagbigay-buhay ng ilan sa maraming hit compositions ni Cecile tulad ng Lift Up You Hand at Sana’y Ikaw Na Nga na parehong ni-record at pinasikat ni Basil Valdez, So It’s You ni Raymond at How Did You Know ni Chiqui.

Bawat kanta na kinompos ni Cecile ay kuwento ng iba’t ibang tao sa kanyang paligid na hindi niya sukat akalain ay mararanasan din umano niya sa tunay niyang buhay.

Taong 2004 nang mag-migrate si Cecile and her family sa San Francisco, California, USA.  Umalis umano siyang heartbroken dahil iniwan niya ang kanyang karera sa Pilipinas at the peak ng kanyang career. Pero ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng kanta kahit nasa Amerika na siya naka-base.

Samantala, bukod kay Cecile, lumipad din galing Amerika sina Jam Morales, Fe de los Reyes at Iwi Laurel para maging bahagi ng kanyang 45th anniversary concert produced by VAA Live with Homer Flores as musical director.

ASTER AMOYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with