^

Pang Movies

Sina Juday ang inaming pamilya... Sharon dedma sa birthday ni KC!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sina Juday ang inaming pamilya... Sharon dedma sa birthday ni KC!
Sharon Cuneta at KC Concepcion

‘Di nga ba nagparamdam si Sharon Cuneta sa birthday kahapon ng anak na si KC Concepcion?

Ito ang napansin ng ilang followers nila.

Gabi na nga naman kahapon ay wala pang post si Sharon na pagbati sa birthday ng anak nila ni Gabby Concepcion.

Ang huling post pa niya ay kasama ang family ni Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na may caption na “Magkakasama habangbuhay! Nagluto si sis daig pa restaurant! Sarili namin ang Judy Ann’s Kitchen ngayong gabi! Mga anak namin naglalaro sa taas.”

Binigyan ng iba ng malisya ang nasabing post dahil buti pa raw si Juday pamilya si Sharon.

Lately ay panay ang post ni KC ng bonding with her siblings sa side ng kanyang amang aktor na kasalukuyang napapanood sa My Guardian Alien with Marian Rivera.

Or baka hindi na nilantad ni Sharon ang pa-happy birthday niya sa panganay.

Social media influencer, sinisiraan si Alden para kumita

Gamit na gamit ng isang social media influencer si Alden Richards.

Nag-i-insinuate ulit siya sa sexual identity ng actor.

Na ang ibang gullible naman ay tuwang-tuwa.

Pero nauna nang sinabi ni Alden na hindi siya apektado sa mga ganung isyu. “Tingin n’yo ganoon? Fine. Tingin n’yo bading? Fine. Ang iniisip ko nga minsan kapag may mga rumors, wala na bang iba?” sabi niya sa interview noon ni Toni Gonzaga.

At planado na ng actor sakaling magkapamilya raw siya. “Ready na pong iwan ‘yung work ko. Ready na po akong mag-lie low. Ang hirap kasi nu’n parang halimbawa mag-partner ka and then...I’m not saying hindi ko siya inuunahan ng iisipin ng partner ko. But really it’s more of... if I wanna venture into settling down stage, gusto ko andun ako sa family ko. Gusto ko ‘yung mga anak ko, makikita ko ‘yung paglaki nila.

“Kaya nakikita po natin ang iba natin ang mga nakakasama natin sa showbiz, nawawala for sometime and then babalik. Ako po kasi siguro by the time na magka-family, mas focus ko ‘yung family ko. And then, ‘pag nagkaroon na lang ako ng chance na babalik, pero babalik mo na,” aniya sa isang dating interview.

Kamukha ni Piolo na Napili ni Michelle sa Showtime, biglang trending!

Cute ang look-alike ni Piolo Pascual from Cebu na si Oliver Moeller na German descent at napili ni Michelle Dee (as searchee) sa It’s Showtime last Saturday, para sa EXpecially for You segment.

Tatlong handsome and professional guys ang pinagpilian (based on their answers) ni Michelle kasama ang ina niyang si Melanie Marquez.

Mula sa three candidates, ang lawyer na si Oliver ang pinili ng beauty queen na kanyang makaka-date na choice rin ng kanyang ina at maging ng studio audience.

Kaya naman trending ito sa Twitter at mara­ming hopia na baka naman ito na ang kailangan ni Michelle para maging isang tunay siyang babae.

Hanggang kahapon ay kalat na ang video ni Oliver na nagwo-workout at sa totoo lang parang mas malakas pa ang dating nito kesa ibang mga actor natin.

In all fairness isa ito sa mga segment ng It’s Showtime na super trending sa pag-uumpisa ng It’s Showtime sa GMA 7.

SPEEd Outreach, tumulong sa ginagawang simbahan at mga dumagat!

Marami na namang napasaya at nabigyan ng tulong ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa isinagawa naming taunang outreach program.

Nagtungo ang mga opisyal at miyembro ng SPEEd sa Nampicuan, Nueva Ecija at Dingalan, Aurora nitong nagdaang Huwebes at Biyernes, Abril 4 at 5, para maghatid ng tulong sa ilang residente roon.

Dumalaw at nagbigay ng cash donation ang SPEEd sa isang parokya sa Nampicuan at sa isang barangay sa Dingalan, Aurora.

At hindi magiging tagumpay ang lahat kung wala ang mga katuwang ng aming grupo.

Katuwang ng grupo sa pagsasakatuparan ng makabuluhang misyon na ito ang Beautéderm Corporation ni Miss Rhea Anicoche-Tan, at Unilab na walang sawang sumusuporta sa SPEEd mula noon hanggang ngayon.

Unang binisita ng samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ang Immaculate Conception Parish Church, Diocesan Shrine of the Holy Face of Jesus, sa Nampicuan.

Sa pakikipagtulungan ng Parochial Vicar at Head ng Promotion Committee ng naturang simbahan na si Fr. Renz Valente, nagsagawa roon ng dental mission para sa mga kabataan.

Kasama ang ilang deboto at volunteers, pinangunahan ni Dr. Rex Gaculais ang naturang dental mission kung saan umabot sa 100 estudyante at residente sa Nampicuan ang nabigyan ng libreng dental service.

Nagkaroon din ng Egg Caldo Caravan mula naman sa Magtalas family na binubuo nina Councilor Alvin Magtalas kasama ang kanyang maybahay na si Filipina Magtalas at ang anak nilang actor-singer na si Beaver Magtalas mula sa Star Hunt.

Kasunod nito, nagtungo naman ang SPEEd sa Dingalan, Aurora upang magbigay ng food goodies at gamot sa isang Dumagat community doon katuwang pa rin ang Magtalas family at si Miss Emily Grey ng 428 Mercado Hotel And Resort.

Nagkaroon din ng Egg Caldo Caravan at namigay ng pandesal sa mga batang dumagat na pumila at tumanggap ng goodies mula grupo.

Ang iba pang sumuporta at nagbigay ng donasyon para sa SPEEd Outreach 2024 bukod ay sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Rep. Lani Mercado, Ogie Alcasid, Kathryna Pimentel, Cong. Toby Tiangco at USec. Nina Taduran.

Nais ding pasalamatan ng SPEEd sina Local Water Utilities Administration Chair Ronnie Ong, Noel Ferrer, Wilson Lee Flores, Miss Faye, Leo Dominguez, Igan Foundation, Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), Tyrrone James Escalante, Colorete Clothing, Manay Lolit Solis at Mayor Joy Pascual.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas.

 

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with