^

Pang Movies

Xian, laglag sa poster ng pelikulang siya ang bida

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Xian, laglag sa poster ng pelikulang siya ang bida
Xian

Intriga ang sumalubong kay Xian Lim pagbalik niya mula sa Thailand na for nine days, location ng bago niyang dinereheng pelikula sa Viva Films na Kuman Thong. May nag-react kasing writer ng GMA 7 sa isang parte ng article ng aktor na lumabas sa Esquire Philippines.

Nakasulat at banner ng magazine ang “Xian Lim is Ready to Talk: ‘When I Love, I Go All Out.”

Ang dami agad nag-react, lalo na ‘yung galit pa rin sa kanya dahil sa breakup nila ni Kim Chiu. May mga nag-comment na nagpapatunay na hindi maganda ang ugali ni Xian. Namamahiya raw ito at totoong mahirap katrabaho at iba pang hindi magandang impression sa kanya.

Nasa Manila na ito, masasagot na siguro ng actor ang comment ng GMA insider, pero may mga nabitin din.

Samantala, mag-comment din kung bakit wala ang photo niya sa poster ng Playtime? Ito ‘yung suspense thriller movie na collab ng Viva Films at GMA Pictures na this May na ang showing. Kaya lang, wala nga ang photo niya sa poster at larawan lang nina Coleen Garcia, Faye Lorenzo, at Sanya Lopez ang kasama.

 Unfair nga naman dahil siya ang lead actor sa movie, pero wala ang picture niya.

Ben&Ben, gulat sa pagkasa ni Marian

Hindi inakala ng members ng Ben&Ben na kakasa si Marian Rivera sa challenge nila na gawan ng dance steps ang song nilang Could Be Something. Kuwento ng banda, hindi seryoso ang request at challenge nila roon. “Baka naman, Ate Marian. Kung baka puwedeng gawan ng steps ‘tong isang kanta namin, ‘yung Could Be Something. Tapos ginawa nga niya,” kuwento ni Miguel Benjamin sa 24 Oras.

Ang kuwento, naging friends nina Marian at Dingdong Dantes ang Ben&Ben nang gamitin sa movie ng mag-asawa na Rewind ang isang song ng banda.

Bukod pa rito, fitness buddies sina Dingdong at isa pang member ng banda na si Paolo Benjamin. Hindi nakakapagtaka kung sa next movie nito o next movie ni Marian o next movie ng mag-asawa, Ben&Ben song uli ang gamitin nila.

Jeric, makakalimutin na!

Naaliw ang viewers ng Fast Talk with Boy Abunda nang hindi mapangalanan lahat ni Jeric Raval ang 18 niyang mga anak.

In fairness, hindi niya inurungan ang challenge ni Boy Abunda na pangalanan ng aktor ang 18 kids niya, kaya lang, 14 names lang ang naisip niya. Idinaan nito sa biro ang sagot na senior citizen na siya at ibig sigurong tukuyin, makakalimutin na.

 Hindi naman siguro magtatampo ang apat niyang anak na nakalimutan niya ang pangalan. Saka, curious kami kung kasama sa mga nabanggit niya ang pangalan ng mga anak nila ni Monica Herrera.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with