^

Pang Movies

Maja, naiyak sa gagawing fan meeting ni Kim Soo-Hyun

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Maja, naiyak sa gagawing fan meeting ni Kim Soo-Hyun
Kim

Darating kasi sa bansa ang nasabing sikat na Korean actor na nagbida sa hit Korean drama na Queen of Tears para sa kanyang first ever Asia Tour in 10 years. Gaganapin ito sa Araneta Coliseum on June 29.

Ini-repost ni Maja sa kanyang X (dating Twitter) ang poster ng concert ni Kim Soo-hyun at sa caption ay hinayang na hinayang siya na wala pa raw siya sa Pinas sa June 29 kaya nag-request siya na i-move na lang ang date.

“Huhuhu bakit naman June 29? wala pa ako sa pinas. pa move please,”  sey ng aktres.

Tawa nang tawa ang fans sa request ni Maja.

“Hahaha adjust na Kim Soo-Hyun lol,” sey ng isang follower.

“Akin nlng po yung pambili nyo po ng ticket ako nlng po ang manonood,” komento naman ng isa pang netizen.

“Majing!!! AKO NA, ako na sisigaw para sayo. hndi ka po pde mastress, masama sa baby,” sey naman ng isa pang X user.

“Hahaha cute mo mi,” reaksyon naman ng isa pa.

Well, kasalukuyang buntis si Maja sa first baby nila ng asawang si Rambo Nuñez at ang alam namin ay malapit na nga siyang manganak sa Amerika.

Catriona at Sam, hiwalay na ulit

Wala na nga bang pag-asang magkabalikan sina Sam Milby at Catriona Gray?

Ito ang tanong ng maraming netizens ngayon matapos nilang mapansin na wala na sa Instagram page ni Catriona ang engagement photos nila ni Sam Milby.

Hindi pa malinaw kung deleted or archived lang ang ang mga nasabing larawan pero the fact na inalis na ito ni Cat  sa kanyang feed, mukhang senyales ito na hindi pa sila nagkakaayos or hindi na magkakaayos.

Matatandaang nagbigay ng statement ang management nina Cat and Sam tungkol sa relasyon ng dalawa noong Pebrero matapos ngang kumalat na hiwalay na ang engaged couple.

Ayon sa statement may issues daw na inaayos ang magkarelasyon.

Pero nitong nakaraang buwan ay spotted ang dalawa na sweet na sweet sa birthday celebration ng head ng kanilang management kaya naman akala ng marami ay nagkaayos na ulit ang celebrity couple.

Pero mukhang naiba na naman nga ang ihip ng hangin ngayon dahil sa bagong development na ito.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na statement sina Sam and Catriona tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

vuukle comment

KIM SOO-HYUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with