^

Pang Movies

Mura, naabo ang pinaghirapan

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Mura, naabo ang pinaghirapan
Mura

Sa isang iglap, ang bahay na ilang taon na pinagsikapan ni Mura na maitayo sa Ligao, Albay mula sa kanyang pagtatrabaho noon sa showbiz, ay naging abo.

Kasamang nasunog ang ilang gamit na regalo ng kanyang namayapang kaibigan na si Mahal.

Sa nakaraang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, hindi naitago ni Mura, o Allan Padua sa tunay na buhay, ang matinding kalungkutan sa sinapit ng kanilang bahay na dalawang palapag.

April 27 nang masunog ang kanilang bahay at hindi na naagapan dahil sa malayo ang bumbero sa kanilang lugar.

Dahil sa may problema na sa paglalakad si Mura bunga ng tinamong pinsala sa aksidente sa tricycle noong 2010, halos wala na silang naisalbang gamit.

“Sa tagal mong nagtrabaho, pinaghirapan mo rin ito, hindi mo alam ganito rin lang mangyayari ulit. Kasi pangatlong sunog namin ito. Nakakalungkot lang kasi bigla rin siyang nawala. Hindi ko alam, iyon ang masakit. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Bakit kasi ito nangyayari sa amin. Kung puwede lang magpahinga na rin lang ako... tuluy-tuloy na ‘yung pagpahinga ng buhay ko rin,” sabi pa niya.

Pansamantalang nakatira ngayon sina Mura at ang kanyang ama sa kanilang tiyahin sa Ligao rin.

Elijah, may update sa nangyari sa kanila ni Miles

Nagbigay ng update si Elijah Canlas sa estado ng relationship with ex-girlfriend Miles Ocampo.  Ayon sa aktor na present sa 27th birthday ni Miles, they are taking things slow. “Well, right now we’re just enjoying what we have. We’re taking things easy lang para walang pressure. We’re just taking our time. Doon lang kami sa focusing on our work. S’yempre, marami rin siyang work, marami rin akong work. Of course, the love and care for each other will always be there.”

Sa isang interview ni Elijah, puwede raw mangyari ang reconciliation sa kanila ni Miles. On speaking terms na raw sila ulit kaya friends na sila ulit.

Nag-break sila noong November 2023, after two years sa kanilang relasyon. 

Christine, napagod sa panloloko ni Nico

Dumalo bilang searcher at ex ang dating celebrity sexy couple na sina Nico Locco at Christine Bermas sa Expecially For You ng It’s Showtime.

Sa kanilang kuwentuhan marami ang naantig sa kanilang breakup story at na­ging usap-usapan ang mga shocking revelation ng dalawa.

Inamin ng ex-couple na isa sa mga rason ng kanilang hiwalayan ang paulit-ulit na pagiging cheater ni Nico.

Sinabi ni Christine: “I gave him a lot of chances to become a better person everyday. I genuinely love him and he knows that and he knows na he was my first boyfriend so I gave everything to him. I was like, I gave him a lot of chances because I just want him to feel also na there’s one person that can truly love him.”

Kahit paulit-ulit siyang sinasaktan, ikinuwento ni Christine na gusto niya maging hope para kay Nico dahil alam niyang nasaktan noon ang kaniyang ex-boyfriend sa mga dating nakarelasyon nito.

Rason naman ni Nico, ginawa niya ang panloloko dahil sa nararamdaman niyang may incomplete feeling sa kanyang puso. 

 

vuukle comment

CHRISTINE BERMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with