^

Pang Movies

Beadom, ‘di pa bumibitiw

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Kung marami ang natuwa sa pagla-like ni Dominic Roque sa post ni Bea Alonzo, may mga nag-react din dahil ayaw nilang magkabalikan pa ang ex-couple. Sa inis nga ng iba, tinawag nilang user, clout chaser, at papansin si Dominic. Inakusahan pa itong dumidikit na naman kay Bea para pag-usapan.

Sabi naman ng isa, gusto lang mag-trending ni Dominic kaya nag-like sa post ng ex girlfriend. Inunahan pa nga siya, sa susunod daw, hindi na lang siya magla-like, magko-comment pa ito ng heart emojis.

Sa pagbabasa namin ng comment, napansin naming may mga tumatawag na “lip tint” kay Dominic dahil mapula ang mga labi nito.

In fairness, may BeaDom fans pa rin naman na hindi bumibitaw at naniniwalang magkakabalikan pa rin sila at matutuloy pa rin ang kanilang kasal.

Pero, ang totoo, kani-kanyang buhay na sila, katunayan, kundi nagte-taping ng Widows’ War, ang business niyang Bash Manila ang focus ni Bea.

Jaclyn, binura sa pelikula ni Jericho

Pinost ni Jericho Rosales ang article na lumabas sa Deadline na isang online news site ang magandang balita tungkol sa drama series niyang Sellblock.

Nakasulat ang “Filipino Prison Drama ‘Sellblock’ Wraps Production & Heads To MIPTV With Blue Fox Entertainment.”

May kasama pang behind-the-scenes photos ang write-up at may solo pic niya.

Nabasa namin ang pangalan ni Jaclyn Jose na kasama sa cast, pero sa ibang write-ups, wala ang pangalan nito. Kasama sa cast sina Tirso Cruz III, Mon Cofiado, Cherry Pie Picache, Rosanna Roces, RK Bagatsing, Ria Atayde, Empoy Marquez at marami pang iba. Si Pedring Lopez ang director ng action series at produced ng ABS-CBN at BlackOps Studios Asia.

Max at Marian, instant friends!

Wala nang balikang mangyayari kina Max Collins at Pancho Magno dahil sa interview ng 24 Oras kay Max, nabanggit na pinag-uusapan na nila ang divorce. Ayon pa kay Max, American citizen siya, kaya siya ang magpa-file ng divorce at kapag nakapag-file na siya, madali na siguro ang divorce proceedings.

Hindi naman daw maapektuhan ang co-paren­ting setup nila sa anak nilang si Skye. Maayos ang pagpapalaki nila sa kanilang anak at happy kid naman si Skye. Sa last birthday nga ng bata na bigay ni Pancho and his family, present si Max.

Dati, noong hindi pa sila okay ni Pancho, kanya-kanya sila ng bigay ng birthday party sa anak at isa lang ang present sa kanila. Ngayon, puwede nang um-attend sa birthday party ng anak ang bawat isa sa kanila.

Dahil siguro sa nangyari sa marriage nila, sabi ni Max, hindi na siya naniniwala sa marriage.

 And speaking of Max, busy siya ngayon sa dalawang shows at parehong bad girl ang role niya sa My Guardian Alien at Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. Nabanggit niya na kaya niya tinanggap maging kontrabida dahil kay Marian Rivera at naging daan din ito para maging friends silang dalawa.

vuukle comment

DOMINIC ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with