^

Pang Movies

Boobay, nahimatay na naman sa stage

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Boobay, nahimatay na naman sa stage
Boobay

Nahimatay si Boobay habang nagho-host siya sa stage sa isang fiesta sa Aparri, Cagayan.

Makikita sa livestream ng event na nangyari iyon habang nagpe-perform siya kasama ang komedyante ring si Pepita Curtis.

Marami ang nag-alala dahil dinig na dinig ang pagbagsak niya sa speaker sa gilid ng stage.

Nag-commercial break ang livestream dahil sa nangyari at sinabi ni Pepita na na-out of balance lamang ito.

Nang maka-recover ay agad na bumalik si Boobay sa stage at itinuloy pa rin ang performance kasama si Pepita.

Pero sinigurado naman ni Pepita pagkatapos ng nangyari na maayos na si Boobay at nagpapahinga na siya sa hotel.

Sinabi naman ni Boobay na maayos na raw ang kalagayan niya. Nasilaw daw siya sa malakas na ilaw ng stage kaya na-trigger ulit ang kanyang seizure.

Maaalalang inatake rin siya ng silent seizure sa kanyang live guesting sa Fast Talk with Boy Abunda noong nakaraang taon.

Nahimatay rin siya sa isang meeting de avance na hindi ko na lang babanggitin kung kailan nangyari.

Sinabi na noon ng kanyang doctor na kailangan niyang magpahinga lagi para maalagaan ang kanyang katawan. Pero hindi pa rin niya mapigilang tumanggap ng trabaho dahil iyon daw ang best way para magpahinga siya.

vuukle comment

BOOBAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with