^

Pang Movies

Deniece, may pasaring kay Vhong!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Deniece, may pasaring kay Vhong!
Deniece Cornejo

Habang ipinakitang nakatayo sa likod ng mga rehas na bakal sinabi ni Deniece Cornejo na “hindi ako iiyak. Hindi ko maipapakita ang kahinaan ko. Totoong masakit ang nangyari sa akin pero naniniwala akong sa pagdating ng araw ay lalabas ang totoo at makakamit ko ang hustisya. Umaasa ako sa kapangyarihan ng Diyos na maglalabas ng totoo. Wala akong laban sa iyo magaling kang artista, maraming supporters at nasisiyahan sa iyo, pero lalabas din ang totoo.”

Hindi pa naman dapat mawalan ng pag-asa si Deniece dahil maaari pa silang umapela hanggang sa Korte Suprema. Ang Korte Suprema lamang ang makapagbibigay ng final decision sa kasong iyan.

Kaso ng droga kay Maricel, hindi pa rin tapos

Humarap na ang aktres na si Maricel Soriano sa imbestigasyon ng senado kaugnay ng sinasabing PDEA leaks.

Nang tanungin ni Senador Bato dela Rosa si Maricel kung ano ang nalalaman niya sa mga dokumentong lumabas, sinabi ng aktres na wala siyang alam dahil hindi naman siya nagbabasa ng mga ganoong dokumento, nalaman na nga lang daw niya nang may magsabing isinasangkot ang kanyang pangalan sa kasong iyon.

Kahanga-hanga ang lakas ng loob ni Maricel na humarap sa pagdinig ng Senado na ipinagpasalamat naman ni Senador Bato dahil nalaman niyang masama ang pakiramdam ni Maricel noong uma­gang iyon pero dumalo pa rin siya para magbigay liwanag sa mga pagdinig.

Iniugnay siya sa kaso ng droga at sinabing sa kanyang bahay nagagaganap ng paggamit ng droga na malabong totoo dahil sabi nga niya naibenta na siya ang unit na iyon.

Mahabang usapan pa iyan at tiyak namang hindi uurungan ni Marya ang mga ganyang kontrobersya.

Alden, walang planong ­magsalita

Tama naman si Alden Ri­chards sa pagsasabing kung ano man ang namamagitan sa kanila ngayon ni Kathryn Benardo, naniniwala siyang iyon ay dapat na manatiling pribado at wala silang obligasyong buksan ang lahat sa publiko.

Ang love life ng mga artista ay personal sa kanila at hindi masasabing sakop ng kanilang pagiging mga public property.

Public property lamang ang isang artista sa mga bagay na may kaugnayan sa kanyang career, pero sa personal na bagay, wala silang obligasyong buksan ang lahat sa publiko.

Iyan ay karapatang pantao na itinatadhana ng ating konstitusyon at walang maaaring gawing batas para alisin ang karapatang iyan.

Kaya magsitigil na kayo kung ayaw ninyong ma-cyber libel na naman.

Ricky, nag-viral ang kaldag

Pinagkakaguluhan na naman sa US at iba pang mga bansa sa Europa ang isang video ng singer na si Ricky Martin na sumasayaw nang todo kaldag habang nakasuot lamang ng boxer shorts.

Iyon ay umani na ng milyong views at likes mula sa LGBTQ community. Iyon ay halos kasunod ng pag-amin niya na divorced na sila ng kanyang pinakasalan noong si Jwan Yosef na matagal na panahon din niyang nakasama at sinasabing may legally adopted silang dalawang anak.

Kahit na divorced na ang dalawa may co-parenting agreement pa rin sila sa dalawang bata.

Sa kabila ng lahat, nanatili pa ring isang sex symbol si Ricky Martin sa kanyang fans na babae at bakla.

vuukle comment

DENIECE CORNEJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with