^

Pang Movies

Vice, na-censor sa Malaysia!

Gorgy Rula - Pang-masa
Vice, na-censor sa Malaysia!
Vice Ganda
STAR / File

MANILA, Philippines — Bidang-bida si Carmelle Collado sa social media kahapon dahil sa pagkapanalo niya sa katatapos lang na Eurovision Song Contest Asia na ginanap sa Bangkok, Thailand noong nakaraang Sabado.

Kaaalis pa lang noon ni Carmelle para sa competition, nakatsikahan namin si Anton Vinzon nung nagpa-mediacon para sa concert nilang Gen Z Hertthrobs na gaganapin sa New Frontier Theater sa Jan. 15, 2027. Naging close na kasi talaga sina Anton at Carmelle sa Pinoy Big Brother at sila talaga ang pinag-partner.

Kaya nga wish din ni Anton na sana ay maging guest niya si Carmelle sa kanilang concert, kasama sina Kelvin Miranda at Michael Sager.

Noon pa man ay kampante na si Anton na mapapanalunan ni Carmelle ang Eurovision. Hindi na sinabi sa amin ni Anton kung ano ang message na ipinadala niya kay Carmelle. “Magaling naman talaga siya,” bulalas ni Anton.

“Ang masasabi ko lang, I’m really proud of her. Kasi since day 1 pa lang ng PBB, dream niya talagang mag-out of the country at mag-concert doon. At natupad niya rin ‘yung pangarap niya,” sabi pa ng Kapuso actor.

Nabahiran nga lang ng intriga itong katatapos lang na Eurovision, dahil sa pag-censor kay Vice Ganda sa Malaysia.

Ang bansang Malaysia ang isa sa 11 countries na lumahok sa naturang competition. Nasa mechanics ng Eurovision ang pagkakaroon ng live jury voting mula sa iba’t-ibang bansa.

Si Vice Ganda ang spokesperson ng Pilipinas para sabihin ang boto ng ating bansa. In-announce ni Vice Ganda ang boto ng Pilipinas na ibinigay sa Thailand ang 8 points, sa South Korea ang 10 points at sa Malaysia ang 12 points.

Pero napag-alamang hindi ipinakita ang Unkabogable Superstar sa Malaysia nang i-present ang boto ng Pilipinas.

Ang Malaysia ay isang Muslim country, at may bawal doon. Pero naging tampulan ng usapan sa LGBTQIA+ community, dahil ang sabi nga, ang Eurovision ay pagsasama-sama ng mga bansang kalahok na kung saan ipapakita ang kultura ng bansa sa pamamaraan ng musika.

Itong pag-censor kay Vice Ganda sa Malaysia ay nagiging question nung pino-promote ang kultura at ang diversity na dapat tinatanggap ng bawat bansa.

Wala pang paliwanag ang broadcaster ng Malaysia tungkol sa isyu ng censorship.

Kahit ang European Broadcasting Union ay wala pang inilabas na statement kaugnay rito.

Bryce Nicolo, pumirma na sa Viva

Tuluy-tuloy na ang pag-aartista ni Bryce Nicolo, ang batang bida sa Cinemalaya movie na Kaka Sa Yawan.

Pumirma na si Bryce sa Viva Artists Agency, para ito na ang mag-handle ng kanyang showbiz career.

Sa rami ng projects na sisimulan ng Viva, kailangan din nila ng mga batang artista. At napag-alamang, konti lang pala ang hinahawakan nilang child actor. Mas marami raw ang mga batang artistang babae.

Nakitaan naman kasi nila ng potential si Bryce na pinuri sa performance sa Kaka Sa Yawan.

Pero mas prioritized talaga niya ang pag-aaral. Sa totoo lang, suportado naman ng school na St. Paul Tondo ang showbiz career niya.

Sinuportahan nila ang Kaka Sa Yawan ni Bryce na sabi ng bagets, ginamit pa raw ang pelikulang ito sa subject nilang PeTa o Performance Task. “Proud na proud po sila at idol na po ang tawag nila sa akin,” sambit ni Bryce Nicolo pagkatapos ng contract signing.

Nine years old pa lang si Bryce, at grade 4 siya sa St. Paul Tondo.

Pero marami na siyang gustong gawin kung sakaling mabigyan siya ng magandang project ng Viva. “Masaya po ako at saka excited po ako.

“Saka pangarap ko po maging artista po, katulad po ni Coco Martin,” pakli ni Bryce.

Pangarap daw niyang makatrabaho sina Anne Curtis, Sarah Geronimo, Andres Muhlach at Wilbert Ross.

Feeling close na nga si Bryce kay Wilbert na talagang “Kuya Wilbert” na ang tawag niya. “Gusto ko po siya maging kuya at kapatid ko po,” napangiti niyang pakli tungkol kay Wilbert.

Hindi nahiyang magpakitang-gilas si Bryce sa Viva nang pinakanta siya at pinasayaw. Diyan naman talaga nag-e-excel si Bryce. Kaya gusto pa niyang ma-develop.

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with