^

Pang Movies

Elijah, tuhog ang trabaho

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Elijah, tuhog ang trabaho
Elijah Canlas

Bonggang-bongga ang career ngayon ni Elijah Canlas dahil dalawang primetime shows sa Kapamilya ang kanyang mga serye. Kasama siya sa FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin at sa sequel ng Senior High na Street High na magsisimula na ngayong May 13.

Nakatsikahan namin si Elijah sa grand mediacon ng Street High held last Tuesday at masayang-masaya ang aktor na napabilang siya sa dalawang nabanggit na malalaking serye ng ABS-CBN.

Siyempre, ayon kay Elijah, nagpaalam muna siya kay Coco bago tanggapin ang High Street. At first, talagang nag-worry siya about doing two shows.

“Ang worry ko lang is baka hindi magustuhan nina Direk Coco na may ginagawa akong show at the same time. Baka isipin nila, hindi ko kayang mag-focus,” kwento ni Elijah.

“But si Kuya Coco mismo nag-push sa ‘kin na ‘gawin mo ‘yan, Elijah, that’s good, hanapbuhay din ‘yan, malaking bagay din ‘yun,’” dagdag pa ng aktor.

Kaya naman sobrang thankful niya na nabigyan siya ng ganito kagandang opportunities at kahit napakahirap maglagare sa taping ay talagang kinakaya niya.

“Dream come true, honestly, to do two shows at once and pareho pang shows that a lot of people love and value. And ‘yun. Kaya I’m doing my best, ginagawa ko po ‘yung best ko.

“Marami ang nagtatanong sa akin, kahit si Kuya Coco, tinanong ako, ‘kaya pa?’ Sabi ko, ‘oo naman po, kayang-kaya pa.’ Of course, kayang-kaya pa,” pahayag ni Elijah.

Ginagampanan ni Elijah sa High Street ang papel ni Archie na dati rin niyang role sa Senior High. Importante ang karakter niya sa nasabing serye bilang kapareha ni Xyriel Manabat bilang Roxy.

Awra, nanghingi ng tawad

Makalipas ang halos isang taon simula nang masangkot siya sa isang gulo sa Poblacion, Makati, finally ay in-address na ni Awra Briguela ang insidente at humingi ng kapatawaran sa lahat ng kanyang nasaktan.

Sa kanyang Instagram account ay naglabas ng mahabang open letter ang Kapamilya celebrity at inako ang mga pagkakamali.

“An open letter to the people I’ve disappointed, to the people who were involved, to the ones who believed in me, and especially to my family,” simula ni Awra.

Unang humingi ng tawad ang showbiz personality sa kanyang pamilya.

“Gusto ko simulan sa paghingi ng tawad sa pamilya ko lalong lalo na sa magulang ko. Patawad kung mas pinili kong takbuhan at talikuran ang problema.

“Patawad kung wala akong tapang harapin ang mga issues naten (sa) isa’t isa. Patawad kung mas pinili kong tumakbo at mag pakasaya nang panandalian imbis na ayusin natin ang problema.

“Alam kong hindi naging madali sa inyo na makita at mapanuod ako sa sitwasyong hindi maganda. Patawad kung na dismaya ko kayo sa maraming bagay.

“Patawad kung nagbago ako at nag iba ang ugali ko. Alam kong hindi magiging madali pero pipilitin kong mag bago at susubukan kong ayusin ang mga desisyon ko sa buhay,” ang mensahe ni Awra sa pamilya.

“Ang tanging hiling ko lang sa ngayon ay naway sana wag kayong mapagod na bigyan ako ng pag kakataon mag bago at bumawi sa lahat ng pag kakamali ko at ang pagkakataon na ‘to ay hinding hindi ko na sasayangin,” patuloy niya.

Kasunod nito ay humingi siya ng tawad sa mga taong nasangkot sa pangyayari at ibinahagi na nakipag-ayos na siya sa mga ito.

“To the ones who were involved, I would also like to to humbly ask for your forgiveness. The mistakes and all the damages that were done was mine and I am willing to take accountability and responsibility. I will take all of these as a lesson that I will carry for the rest of my life.

“I know we’re in good terms already and settled things privately but still want to say sorry and thank you for allowing and giving me the chance to apologize and for accepting it,” pahayag ni Awra.

Nag-sorry rin siya at nagpasalamat sa mga taong naniwala sa kanya at na-dissapoint niya. Inamin niyang hindi pa rin niya mapatawad ang sarili sa kanyang ginawa.

Lastly ay humingi si Awra ng tawad sa kanyang sarili na hinayaan daw niya ang kanyang emosyon na mamayani at hindi niya naalagaan ang sarili.

“All of these were such a real nightmare and I don’t want to let the fear win again. This definitely served as a big big lesson for me,” pagtatapos ni Awra.

Matatandaang inaresto si Awra noong June, 2023 matapos masangkot sa isang gulo sa isang bar sa Poblacion, Makati. Nakalaya siya matapos ang isang buwang pagkakakulong.

ELIJAH CANLAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with