^

Pang Movies

Taylor Sheesh, tinantanan na ang pagpatol!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Taylor Sheesh, tinantanan na ang pagpatol!
Taylor Sheesh

Inamin ng Pinoy Drag Artist at impersonator ni Taylor Swift na si Mac Coronel a.k.a. Taylor Sheesh na hindi siya nakaiwas sa mga pangungut­ya sa kanyang pagiging gay. “Mahirap ‘pag nakipagtalo ka sa kamag-anak kasi, alam mo ‘yun, hindi nila maintindihan. So sa bandang dulo, ikaw ‘yung magmumukhang masama. So gusto ko pa rin sa chosen family kasi sila ‘yung mga nakakaintindi,” sey ni Sheesh.

Minsan na nga raw siyang nasaktan physically ng isang lalaki habang nagpe-perform siya sa isang fiesta. Pinili raw niyang huwag lumaban at naging depensa niya ay ang kanyang pagiging tahimik.

Pagdating naman sa bashers, sinabi niya na pinapatulan niya ang mga ito noon.

“Dati mapagpatol ako. Pero ngayon, sa sobrang busy, wala na akong time. Kaya ‘yung pronouns ko, both blessed and successful. Parang ‘Ay, wala na akong time. Ayoko,’” sey niya.

Nakilala siya sa viral videos niya sa paggaya kay Taylor Swift para sa Eras Tour sa mga mall. Na-feature siya sa US morning show na Good Morning America, at pati na sa online magazines ng Rolling Stone, Pop Crave, at Gay Times.

max, alaga ang katawan para sa mental health

Pinapalakpakan ang pagiging kontrabida ni Max Collins sa primetime series ng GMA na My Guardian Alien.

First time raw siyang mag-all out kontrabida at nae-enjoy niya ito. Nagkaroon tuloy siya ng image na pagiging suplada sa tunay na buhay.

“Ang pinakamalaking misconception tungkol sa akin ay suplada raw ako. If these people try to get to know me, ‘di po ako suplada. Actually, mahiyain mo talaga ako. Pero kapag may nag-“hi” o gustong magpa-selfie with me, I welcome it po. Mabait po ako,” ngiti pa ni Max.

Hinahangaan din ng netizens ang pag-alaga niya sa kanyang katawan. Parang hindi raw siya nanay ng isang three-year old na bata. “Importante po sa akin ang fitness dahil maganda siya for my mental health. I didn’t workout naman para lang magpa-sexy or pumayat. I really worked out for my mental health so that I can take care of my baby, I feel better and healthier,” sey niya na parating may bikini post sa kanyang social media accounts.

Zendaya, best-dressed ulit sa Met Gala

Muling rumampa ang mga A-list celebrities sa 2024 Met Gala na ginanap last May 6 sa Metropolitan Museum of Arts in New York.

Ang theme sa taong ito ay Sleeping Beauties: Reawakening Fashion at ang mga naging co-chair ni Anna Wintour this year ay sina two-time Emmy winner Zendaya, Jennifer Lopez, Bad Bunny at Marvel actor Chris Hemsworth.

The Met Gala 2024 is a fundraising benefit held every year on the first Monday in May. It feature approximately 250 items mula sa Costume Institute’s permanent collection from Schiaparelli, Dior, Givenchy, at marami pang iba.

Mga napiling best-dressed ng Met Gala ay sina Zendaya in Maison Margiela couture; Jennifer Lopez in custom Schiaparelli haute couture; Doja Cat in Vetements; Cardi B in Giambattista Valli; Lana Del Rey in custom Alexander McQueen; Gigi Hadid in Thom Browne; Greta Lee in Loewe; Naomi Campbell in custom Burberry; Demi Moore in custom Harris Reed and Nicole Kidman in Balenciaga.

Nag-perform sa event na may 450 guests ay sina Ariana Grande at Cynthia Erivo.

 

vuukle comment

TAYLOR SHEESH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with