^

Pang Movies

Backdoor entrance ni Kris hindi umubra

SHOWBIZ UPDATE - Ed de Leon - Pang-masa

Ang lakas ng tawa namin sa nabasa naming post ng creative consultant ng GMA-7 na si Jake Tordesillas. Sabi niya sa kanyang post, “There was no welcome at the doors of GMA for Kris Aquino because she tried to enter through the backdoor.”

May katotohanan din naman iyon. Nang wala na siyang makuhang time slot sa ABS-CBN, hindi naman siya nakipag-usap sa GMA-7 eh. Tinangka niyang pumasok sa network sa pama­magitan ng blocktimer producer na APT Entertainment. Hindi rin dapat idinadamay ang GMA-7 sa mga usapang ganyan, in the first place, hindi naman niya kausap ang GMA.

Dugtong pa ni Jake, “Sana naman makapasok siya sa CNN”.

Pelikulang nag-best actor si JC walang nakapanood

Nanalong best actor si JC de Vera sa Quezon City Film Festival dahil sa ginawa niyang indie film. Maga­ling talagang actor si JC, hindi kami nagulat sa kanyang panalo. Ang iniisip lang namin, mapapanood kaya ng mga tao ang pelikula niya pagkatapos ng QC Film Festival?

Iyang mga pelikulang indie kasi, nailalabas lang kung may mga film festival, pagkatapos noon hindi na mailabas sa mga sinehan dahil walang nanonood. Kahit na iyong nagpanalo kay Jaclyn Jose sa Cannes, o iyong pelikula ni Charo Santos na best film sa Venice, nangamote sa takilya.

Andi matagal nang sinasabing si Jake ang ama ni Ellie

Palagay namin dapat nang matigil ang usapan tungkol sa anak ni Andi Eigenmann. Maliwanag na ngayon kung sino ang tunay na tatay ng kanyang anak. Bago pa man ibinunyag ng kanyang kapatid sa isang podcast ang tungkol sa tunay na ama ng anak niya, narinig na namin mula kay Andi mismo ang kumpirmasyon.

Natatandaan namin, palabas siya noon mula sa isang press conference nang tanungin siya ni Alfie Lorenzo nang diretsahan, “sino ba talaga tatay ng anak mo?”

Sinagot naman niya iyon ng diretso at sinabing, “Si Jake (Ejercito) po, pero noon kasi natakot kami kay Erap”.  Kaya hindi na bago sa amin nang aminin ni Max Eigenmann na si Jake nga ang tunay na tatay ng anak ni Andi. Hindi naman nila nai-deny iyon ng diretsahan. Puro pa rin sila paduda.

May mga basher dahil doon, at natural lang siguro na nagre-react ang buo nilang pamilya, lalo na nga si Jaclyn Jose, pero maiiwasan ba iyon?

Hindi natin maikakaila ang katotohanan ngayon na nagkaroon ng conspiracy, ano man ang tunay na dahilan noon, na ilihis ang paniniwala ng publiko na si Jake nga ang nakabuntis kay Andi noon. Napagbintangan lang si Albie Casiño. Maging kami ay naniwala noong una, kasi nga pati na ang yumaong si Mark Gil ay nagsalita, at parang tinutukoy nga si Albie. Kaibigan namin iyang si Mark at naniniwala kaming hindi naman iyan magsasalita na wala sa a­yos. Posibleng maski si Mark ay hindi alam ang totoo.

vuukle comment

JAKE TORDESILLAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with