^

Pang Movies

Sid Lucero gagawin ang lahat makarating lang sa Amerika

Pang-masa

MANILA, Philippines - Willing ka bang gawin ang lahat para ma-achieved mo ang iyong mga pangarap? Hanggang saan ang kaya mong tiisin makamit lang ito?

Itong mga tanong na ito ang bibigyang-kasagutan ni Sid Lucero sa kanyang pelikulang Toto na idinirek ng award-winning Asian-American filmmaker na si John Paul “JP” Su.

Ipinanganak at lumaki sa Pilipinas si Direk JP na graduate sa New York University’s Tisch School of the Arts, with Master of Fine Arts degree in Film and Television.

Kaya hindi kataka-takang may kakaibang puso si Direk JP sa paggawa ng kakaibang mga pelikula na talaga namang tatatak sa puso ng sinumang manonood.

Ang kanyang latest documentary na ginawa ay ang The Caregiver na napili sa ilang film festivals at nanalo sa 2012 CINE Golden Eagle Award.

Ginawaran siya ng The Directors Guild of America (DGA) bilang Best Asian-American Filmmaker para sa kanyang short fiction narrative na Pagpag na mapapanood sa PBS and its affiliate stations, at pwedeng i-stream online via IndieFlix.com and viddsee.com.

Tumanggap din si Direk JP ng Harvest of Winners Award (Ani ng Dangal) from the Philippine government bilang pagkilala sa kanyang mga nagawa at artistic achievements in the field of cinema.

Kaya naman kaabang-abang ang bagong obra ni Direk JP na tungkol sa isang lalaki na mataas ang pangarap.

Si Antonio “Toto” Estares ay mula sa Tac­loban, Philippines, isang lugar na napinsala ng bagyong Yolanda. Ang kanyang nanay ay may cancer. 

Nagtatrabaho siya sa isang hotel sa Maynila at ginagawa ang lahat para makara­ting sa U.S. para maka­tulong sa kanyan pamilya. Kaila­ngan niya gawin ito dahil noong mamatay ang kan­yang tatay at walang naiwan sa kanilang pera. Nang nabubuhay pa, nakarating ang kanyang ama sa Las Vegas upang ma­ging performer  sa entablado at pinangako na ipepetisyon ang kanyang pamilya.

Kaya lang, naging isa lang siyang dishwasher na manginginom at sugarol. 

Ang bukod tanging minana ni Toto sa kanyang ama ay ang pangarap na makarating sa U.S. dahil ito rin ang hangad ng kanyang nanay. 

Kung anu-ano na ang ginawa ni Toto para makakuha ng U.S. visa, kahit pa mawala ang mga kaibigan, trabaho, dignidad at puso.

Malaki na rin ang nautang niya para lang makamit ang kanyang pangarap. 

Ang hindi niya naisip, para na rin siyang nakarating sa America dahil sa hotel kung saan siya nagtatrabaho. 

Ang mga bisita ng hotel ay kumakatawan ng “the good, the bad, and the ugly of America”. Matapos maloko, nawalan ng pag-asa si Toto. Pero, isa rin namang mabuting American ang tumulong sa kanya sa hindi inaasahan paraan. 

Panoorin ang Toto the Movie sa selected cinemas ng Robinsons Place Manila Midtown Cinema, Glorietta 4 and SM Megamall sa December 17-24 para sa Metro Manila Film Festival New Wave 2015.

Ang Toto the Movie ay pinagbibidahan ni Sid Lucero, kasama rin sa pelikula sina Thou Reyes, Blake Boyd, Mara Lopez, Neil Ryan Sese, Bembol Roco, Bibeth Orteza, Liza Diño, Rafa Siguion-Reyna, Jelson Bay, Che Ramos, Marnie Lapus, Raul Montesa, Carlo Cruz, David Christopher, Lorenz Martinez and Sheila Valde­rrama. Created and directed by John Paul Su.                                                                        

ACIRC

ANG

ANG TOTO THE MOVIE

BEMBOL ROCO

BEST ASIAN-AMERICAN FILMMAKER

DIREK

KANYANG

KAYA

NBSP

PARA

SID LUCERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with