^

Pang Movies

Trophy ni Alden para sa Star… si Maine ang tumanggap

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tenth year na pala ng Walk of Fame na nagbibigay si German “Kuya Germs” Moreno ng star sa mga deserving artista at celebrities.

Kaya noong Tuesday, December 1, napuno ng maraming fans ang Eastwood Center sa Libis, Quezon City.

Yes, may mga nagku-kuwes­tyon kay Kuya Germs kapag sa palagay nila ay hindi pa raw time para bigyan ng Star ang ilang mga artista, pero sabi nga ni Kuya Germs, karapatan niya kung sino ang gusto niyang bigyan dahil hindi naman niya sila bibigyan ng ganoong pagkilala kung hindi sila karapat-dapat.

Pinaakyat muna ni Kuya Germs sa stage ang mga awardees ng Walk of Fame na sina Eula Valdez, Sunshine Dizon, The Company, Jake Vargas, Buboy Villar (na kamakailan lamang ay nagkamit ng best actor trophy sa Guam), Enrique Gil, Sam Concepcion, Kara David (ang tanging brodkaster na pinarangalan) at ang mga bida ng kalyeserye ng Eat Bulaga na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros (JOWAPAO) at sina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub).

Hindi na nakaya ni Alden ang karamdaman niya noon pang Sabado, kaya bumigay na siya ng araw na iyon pagkatapos ng Eat Bulaga at si Maine na ang kumuha ng kanyang star trophy.

Ang saya-saya ng awardees at tilian sila kapag binuksan na ang nakatakip sa kani-kanilang star.

Sa ilalim ng mga pangalan nila, ay naka-embosed din ang characters na ginagampanan nila sa kalyeserye, si Wally ay Nidora, si Paolo ay Tidora, si Jose ay Tinidora, si Maine, Yaya Dub.

Nang umakyat ang JOWAPAO at si Maine, hindi na magkarinigan sa lakas ng tilian.

Nag-sorry si Maine na hindi nakadalo si Alden dahil may sakit nga ito. Nagpasalamat din siya kay Kuya Germs sa award na ibinigay sa kanila ng kanyang ka-love team.

Siya na raw ang magbibigay ng star ni Alden kapag nagkita sila sa Eat Bulaga.

Kung gusto nga pala ninyong makita ang mga Stars sa Walk of Fame, pwede ninyo itong pasyalan sa may Activity Center ng Eastwood Center.

X-mas party for the press ng PPL, dinaluhan ng sankaterbang artista

Labis-labis ang pasasalamat ni Perry P. Lansigan, head ng PPL Entertainment at mga talents nilang sina Sunshine Dizon, Gabby Eigenmann, Jolina Magdangal, Max Collins, Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap, Miggs Jaleco, Maya, Carlo Gonzales, Carl Guevarra, LJ Reyes at Ms. Jaclyn Jose sa lahat ng dumalo sa Christmas party na ibinigay nila sa mga entertainment press.

Ayon kay Perry, tumawag si Dingdong Dantes from Paris para bumati ng Merry Christmas, pero pauwi na raw ang Kapuso Primetime King ng Pilipinas, after mag-attend ng Climate Vulnerable Forum doon.

Nag-enjoy ang press at nakiisa sila sa pagsali sa mga inihandang parlor games ng PPL.

Baby Letizia nina Dingdong at Marian, ayaw talagang ipakita kahit ng mga manager ng mag-asawa

Natawa kami kay Perry at sa manager din ni Marian Rivera (na nakausap namin sa Eastwood sa Walk of Fame) si Rams David.

Hindi sila napaamin sa pangungulit ng entertainment press na ipakita ang picture ng anak nina Ding­dong at Marian na si Baby Letizia.  Si Ateng Rams nang kulitin namin, nandoon daw sa isang cell phone niya ang picture na naiwanan daw niya at si Perry naman, hindi raw niya kinunan ng picture ang baby.

Basta, napakaganda raw ni Baby Z na para sa kanya ay hati sina Dingdong at Marian sa face nito.

Hintayin na raw lamang kung kailan ipakikita ng mag-asawa ang picture ng anak, at very soon iyon.

ACIRC

ANG

BABY LETIZIA

EASTWOOD CENTER

EAT BULAGA

HINDI

KUYA GERMS

MGA

SUNSHINE DIZON

WALK OF FAME

YAYA DUB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with