Gary at Angeli, madrama ang umpisa ng pagsasama
Hindi alam ng marami na dumaan din sa maraming pagsubok ang pagsasama ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan-Valenciano na nagsi-celebrate ngayong taon ng kanilang ika-40th anniversary bilang mag-asawa.
Nagalit ang ama noon ni Angeli dahil sa halip na ito’y mag-concentrate sa kanilang family business being the eldest in the family ay nag-showbiz ito hanggang mag-asawa ito nang maaaga kay Gary Valenciano who was only 19 at that time.
Nagtiyaga ang bagong mag-asawa noon sa isang kuwarto na walang gamit at diyaryo lamang ang kanilang ipinantakip sa bintana para hindi pumasok ang araw. Natutunan din nilang mahiga sa sahig dahil wala pa silang kama. Binawian din umano siya ng sasakyan ng kanyang ama kaya natutong mag-taxi ang mag-asawa sa kanilang mga lakad.
Naiba ang takbo ng pakikitungo sa kanila ng kanyang father nang isilang ang panganay nina Gary at Angeli na si Paolo Valenciano dahil ito ang unang apo sa Pangilinan side.
Naunang isilang si Paolo bago sila nagpakasal ni Gary na sa simula pa lamang ng kanilang pagkakakilala ay type 1 diabetic na si Gary.
Ang relasyon nina Gary and Angeli was also marred ng maraming kontrobersiya sa simula pa lamang ng kanilang pagsasama at marami ang nag-akala noon na hindi magtatagal ang kanilang relasyon.
Ogie, matibay pa rin ang career!
OPM icon, singer-songwriter, hitmaker, actor-comedian, host-turned concert producer Ogie Alcasid has been in the entertainment business for over three decades now at sa loob ng maraming taon ay nag-evolve siya sa kanyang career na kanyang sinimulan nung 1988.
Isa si Ogie sa pinaka-most loved in the industry kaya hanggang ngayon ay nariyan pa rin siya at hindi nawawala.
Siya ay muling mapapanood sa kanyang 2nd OgieOke 2: Reimagined Concert at the Newport Performing Arts Theater in Newport World Resorts on Nov. 30, 2024 kung saan niya magiging special guest performers ang tinaguriang National Girl Group na BINI among others.
- Latest