^

Pang Movies

Ethel Booba, hindi nagpakabog sa basher

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ethel Booba, hindi nagpakabog sa basher
Ethel at Anak

Tinalakan ni Ethel Booba ang mga pakialamerang basher na pumuna sa pagdede ng anak niya na apat na taong gulang sa feeding bottle.

Nagkomento ang mga ito nang makita nilang pinapadede nito ang anak habang nasa isang event.

“PAKELAM NYO BA KUNG 4 YEARS OLD DUMIDEDE PA YUNG ANAK KO SA FEEDING BOTTLE! SAKA AKO NAMAN ANG BUMIBILI NG GATAS NG ANAK KO! PINABILI KO BA SA INYO HA?!!!

“MAY KILALA NGA AKO 47 YRS OLD NA! ....DUMIDEDE PA DIN! TSE!” post ni Ethel.

Sagot niya ito sa netizen na nagsabing ilang taon na raw ang anak ng komedyante pero naka-bote pa rin. Kinumpara pa nito sa kanila na mag-iisang taon pa lang daw ang mga bata sa kanila sa ibang bansa ay tine-train na sa drinking cup. Iba raw talaga ang pagpapalaki sa ‘Pinas.
Hindi nga ito nagustuhan ni Ethel kaya tinalakan niya ito.

Marami namang nanay ang naka-relate kay Booba dahil magkakaiba raw ang parenting style ng mga magulang.

Wala raw masama sa feeding bottle dahil nga ang ibang bata ay ayaw pang tumigil sa pag-inom ng gatas sa pamamagitan nito.

Kaya mas kinampihan nga ng mga netizen si Booba.

Korek naman. Pakialam nila noh. May pambili siya ng gatas at feeding bottle.

ETHEL BOOBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with