^

Pang Movies

Nakakahiya Ilegal na paggamit ng DOH sa kanta ng K-Pop Girl Group na F(X) pinaiimbestigahan na sa Korea

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagbigay na ng statement ang isang Korean entertainment firm na gagawa sila ng aksyon sa hindi awtorisadong paggamit ng ating Department of Health sa isang kantang nakapaloob sa Pink Tape album ng Korean girl group na F(X).

Ginamit ng Department of Health natin ang kanilang kantang Rum Pum Pum Pum, pinalitan ng lyrics at  ginamit para sa isang infomercial na laban sa teenage pregnancy. Kumalat ang video sa social networking sites dahil sa hindi magandang reaksyon ng mga tao sa mga salitang ginamit doon kagaya ng “gaga girl” at “bobo boy”. At dahil sa kumalat nga ang video sa Internet napansin tuloy ang hindi legal na paggamit nila sa Korean song.

Bawal sa ilalim ng batas ang paggamit ng intellectual property nang walang pahintulot, at kahit na inalis na ng DOH sa kanilang website ang kanilang infomercial, kumalat na iyon at hindi na nga maitatangging gumamit sila ng isang kanta nang walang pahintulot. Isa lang ang masasabi namin sa nangyaring iyan, nakakahiya.

Daniel nag-iisip na rin ng pagkakakitaang negosyo

Mayroon bang pressure para palabasing may relasyon nang talaga sina Da­niel Padilla at Kathryn Bernardo? Although madalas silang nakikitang “sweet” sa isa’t isa “kung may ibang nakakakita”, na sinasabing natural lang dahil sila ay magka-loveteam, never pa namang umamin ang sinuman sa kanilang dalawa na talagang sila nga ay mayroon nang seryosong relasyon.

Kahit noon, pareho silang nagsasabing palagay nila ay masyado pa silang bata para mag-isip ng isang seryosong relasyon, at ang mas kailangan nilang asikasuhin ay ang kanilang career. Kung sabagay, tama naman iyan. Alam naman ninyo ang buhay ng isang artista, wala namang kasiguruhan. Maaaring ngayon, ikaw ang masasabing pinakasikat na artista, pero hindi ka nakasisiguro kung hanggang kailan tatagal iyan.

Maraming stars ang naniwala na magtatagal ang kanilang kasikatan, pero na­gising na lang isang araw na wala na pala ang lahat, lalo na kung magkamali ka ng diskarte sa iyong career. Kagaya nga noong isang aktor na ang akala ay talagang sikat na siya. Nakinig sa mga sulsol, gumawa ng maling diskarte at sa loob lamang ng ilang buwan nawala na ang kanyang kasikatan.

Kaya nga dapat talaga unahin ng mga arista ang kanilang career.

Sa parte naman ni Daniel, dahil talaga namang galing sa show business ang kanyang pamilya, at alam na nila ang ganyang kalakaran, mapapansin mong talagang pinagbubuti rin niya ang kanyang career, at nagpupundar siya ng kabuhayan para sa kanilang pamilya. Ngayon nga, natapos na niya ang isang bahay para sa pamilya niya. Sinasabi niyang isusunod naman niya kahit na isang maliit na negosyong maaaring pagkakitaan.

Suwerte siya dahil mabilis siyang sumikat. Hindi lahat nagkakaroon ng ganyang pagkakataon.

Aktor tinutulungan ng ‘bossing’ na magka-career

Sino nga kaya si “bossing” sa buhay ng isang aktor? Babae raw si “bossing” na siyang tumutulong sa career ng aktor na ito, at mukhang “girlfriend” din yata niya, pero mas matanda raw si “bossing”.

vuukle comment

AKTOR

ALAM

DEPARTMENT OF HEALTH

ISANG

KANILANG

KATHRYN BERNARDO

PINK TAPE

RUM PUM PUM PUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with