^

Pang Movies

Dating sexy star na hindi nakapag-ipon dinidelihensiya kahit siopao at kikiam

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Deretsong sinabi ng isang rich, former actress na ang kanyang sexy friend ay “sobrang swapang.” Bago kasi sila magkita-kitang magkakaibigan, namakyaw ng tatlong malala­king supot na puno ng pagkain-siomai, siopao, kikiam, at iba pang Chinese delicacy — para sa kanilang  tatlo.

Dahil hindi dumating ang isang dating artista, biglang kinuha ng sexy ang isang balot. Kaya lang pati ang supot na iuuwi ng actress sa bahay, para sa kanyang mga anak, isinilid din sa malaking bag ni sexy!

Nairita ang bumili ng mga food at sinabi ‘‘Yan ang mga mahirap sa ating mga dating artista kung hindi matututo ng ibang trabaho. Kawawa ang mangyayari kapag tumanda na. Lalo pa’t hindi na pinapansin ng mga dating mayayamang nagpasasa sa kanya.’’

Aya Medel nakaahon sa pagiging hubadera

Ang sexy actress na si Aya Medel, nagsikap matapos ang kanyang kursong culinary arts. Kaya marami siyang natutuhan tungkol sa pagluluto at sa negosyong restaurant.

Nasa finishing touches na ang sariling restaurant ni Aya na malapit nang buksan sa kanyang sariling probinsiya sa Bicol. Pinag-ipunan niya nang husto ang magarang restaurant upang magkaroon siya ng maipamamana sa kanyang mga anak.

Magsisilbing magandang halimbawa si Aya Medel sa kanyang mga kapwa artista, na pinaghandaan ang kinabukasan.

Popular actress pinarusahan ng magulang kaya nagta-taxi sa mga pinupuntahan

Nagulat ang isang taxi driver nang sumakay ang popular actress. Akala ng mamang tsuper, nasa talyer lang ang magarang kotse ng artista. Parusa pala ito ng kanyang parents dahil nakipag-date sa kanyang boyfriend ang aktres noong isang gabi.

Ano kaya ang katarungang gusto ng kanyang mga magulang?

Vic wala pa ring alok na kasal kay Pauleen

Sa mga pahayag ni Pauleen Luna on TV, obvious na hindi pa siya niyaya ni Vic Sotto ng kasal. Magulo kasi ang kanyang mga sagot. At least hindi naman siya umaasa na maging susunod na Mrs. Vic Sotto.

Alam ni Pauleen kung saan siya lalagay. Kaya naman nag-e-enjoy na lang siya while it lasts. Bata pa naman siya at marami pang mga eligible bachelors ang magkakagusto sa kanya.

Asawa ni Wally nahihiya pa rin

Agad inamin ng misis ni Wally Bayola na nasak­tan siya nang mapanood ang sex video ng kanyang mister with the EB Babes. ‘‘Kahit sino namang asawa masasaktan, lalo na sa nangyari kay Wally na sobrang na-exposed sa video.’’

Naku huwag kang masyadong tutungo kapag nag­lalakad at baka madapa ka pa, Riza. At least hindi naman ikaw ang nabilad sa kahihiyan.

Pamilya Gutierrez hahataw sa E

Ang E! Entertainment Channel ang magpapalabas ng It Takes Gutz to be a Gutierrez. Sa Singapore at ibang karatig lugar tutukan ang kabuuan ng TV Special at ibang Asian countries.

Sana habang nandoon sa Lion City, makipag-ayos ang Gutierrez clan ng isang live show. Extra income ito para sa kanila at marami pa silang matutulungang mga Pinoy na nangangailangan doon, lalo na ang mga OFW na illegal ang mga papeles.

vuukle comment

ANG E

AYA MEDEL

ENTERTAINMENT CHANNEL

IT TAKES GUTZ

KANYANG

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with