^

Pang Movies

Bagong show ni Pacman sa GMA 7, hold muna

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Magiging busy na si Congressman Manny Pacquiao sa boxing training niya dahil sa April 12 na ang laban nila ni Timothy Bradley, Jr.

Abril na sa susunod na buwan kaya sandaling panahon na lang ang pag-eensayo ni Papa Manny dahil napakabilis ng takbo ng araw.

Kapag natalo ni Papa Manny si Bradley, lalabanan uli siya ng Mexican boxer na si Juan Manuel Marquez. Nagsalita noon si Marquez na hindi na siya lalaban kay Papa Manny matapos mapatulog ang Pambansang Kamao sa kanilang huling engkuwentro.

Nagbago ang pasya ni Marquez dahil ang latest pralala niya, willing siya na lumaban uli kay Papa Manny kung matatalo nito si Bradley sa April 12.

Ang boxing training ang pagkakaabalahan ni Papa Manny kaya naka-hold pa ang bagong show niya sa GMA 7.

Hindi pa tinatalikuran ni Papa Manny ang telebisyon dahil bahagi na rin ng kanyang sistema ang showbiz.

Kung sakaling matalo ni Papa Manny si Bradley sa kanilang laban sa April, saka pa lamang siya magkakaroon ng oras para harapin ang kanyang showbiz career na pansamantalang namamahinga.

Pulitiko binigyan ng pera si Marian

Nagpapasalamat si Marian Rivera kay Mayor Enrico Roque ng Pandi, Bulacan dahil sa donasyon nito para sa kanyang Adopt-A-Banca project.

Kilala sa showbiz si  Papa  Enrico dahil  kaibigan siya ng mara­ming artista. Siya rin ang owner ng sikat na Amana Waterpark sa Pandi, Bulacan. Dinarayo ng mga turista ang Amana Waterpark, tag-ulan man o tag-init.

Nagbigay ng donasyon si Papa Enrico kay Marian. Ako mismo ang nag-abot ng tseke na ipinadala niya at ibinigay ko kay Ma­rian nang magkita kami sa presscon ng Personal Collection noong Martes.

Sinusuportahan ni Papa Enrico ang  magandang project ni Ma­rian na nagbibigay ng bangka sa mga mangingisda sa Cebu City na nasalanta ng typhoon Yolanda noong nakaraang taon.

Tuwang-tuwa ang mga kababayan natin sa Cebu City dahil sila ang napili ni Marian para makinabang sa Adopt-A-Banca project na malaking tulong sa kanilang kabuhayan na naapektuhan nang husto ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo noong November 2013.

Theme song ng kambal, dalawa rin

Sina Rita De Guzman at Julie Anne San Jose ang mga kumanta ng theme song ng Kambal Sirena.

Dalawa ang pinakanta ng theme song ng sirenaserye ng GMA 7 dahil dalawang babae ang bida sa Kambal Sirena na parehong ginagampanan ni  Louise, sina Perlas at Alona.

Napaluha si Louise sa presscon ng Kambal Sirena. Tears of joy ang tawag sa luha ni Louise dahil sa matinding kaligayahan na nararamdaman niya.

Feeling very lucky and blessed si Louise dahil siya ang napili para maging bida ng Kambal Sirena.

I’m sure, maligayang-maligaya para kay Louise ang kanyang boyfriend na si Enzo Pineda.

Ipinakita ni Louise sa isang television show ang kanyang condo unit at ang mga litrato nila ni Enzo ang bumulaga sa televiewers. Ganyan ka-in love si Louise sa kanyang edukado at mabait na dyo­wa.

Winwyn parang Beauty Queen na ang tindig

Beauty queen na beauty queen ang tindig at pananamit ni WinWyn Marquez sa presscon ng Kambal Sirena.

Parang sinasanay na ni WinWyn ang sarili dahil seryoso siya na sumali sa beauty contest. Hindi minamadali ni WinWyn ang pangarap na ma­ging beauty queen kaya hinihintay niya ang perfect time. Pinapakinggan din niya ang mga payo ng mga beauty expert at ng kanyang manager na si Jonas Gaffud.

                                              

 

vuukle comment

AMANA WATERPARK

BRADLEY

CEBU CITY

DAHIL

KAMBAL SIRENA

MANNY

PAPA

PAPA MANNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with