Anderson babu na, papalitan ni Christiane Amanpour
Nag-babu na kahapon sa Pilipinas si Papa Anderson Cooper dahil bumalik na siya sa Amerika.
Ang tsismis na nakarating sa akin, si Christiane Amanpour ang hahalili kay Papa Anderson at siya naman ang pupunta sa Tacloban City.
Kung totoo man na darating si Mama Christiane sa Pilipinas, welcome na welcome sa mga Pinoy ang arrival niya.
Parehong mahusay na broadcast journalist sina Papa Anderson at Mama Christiane. I’m sure maÂlaki ang maitutulong sa Pilipinas ng presence ni Mama Christiane.
Sana nga, bisitahin niya ang Pilipinas.
Anderson nami-miss na agad ng mga Pinoy
Sa true lang, nalungkot ako nang malaman ko na umalis na ng Pilipinas si Papa Anderson. Mami-miss ko ang kanyang mga report tungkol sa Leyte, tulad nang pagka-miss sa kanya ng milyun-milyong Pilipino.
Nagsalita na kahapon si Papa Anderson tungkol sa isyu nila ni Korina Sanchez.
Hinikayat ni Papa Anderson si Mama Koring na pumunta ito sa Tacloban City para makita ang tunay na sitwasyon doon.
Nasa Ormoc City lang si Mama Koring.
Malapit lang ang Ormoc sa Tacloban City. Puwedeng sumaglit si Mama Koring kung kinakailangan.
Alam na ni Papa Anderson na asawa ni DILG Secretary Mar Roxas si Mama Koring. Knows ni Papa Anderson na upset sa kanya si Papa Mar dahil sa mga report niya sa mga nangyayari sa Tacloban City.
Hindi naman affected si Papa Anderson dahil mali ang mga bintang sa kanya.
Walang ni-report si Papa Anderson na walang government preÂsence sa Tacloban City at may ebidensiya siya na malinaw na malinaw, ang video ng kanyang report sa CNN.
Ryan Cayabyab tuwang-tuwa sa tagumpay ng PhilPop
Pumunta ako kahapon sa presscon ng PhilPop 2013 kaya narinig ko ang mga composition ng mga finalist noong 2013.
In fairness sa kanila, magaganda ang mga kanta as in may karapatan na mag-hit.
Tuwang-tuwa si Ryan Cayabyab dahil successful ang PhilPop 2013. Hindi raw niya inaasahan na magiging successful ang music festival na itinatag niya. Ang feeling ni Ryan, magiging equally successful din ang PhilPop 2014 tulad last year.
Startalk debutante na
Watch ninyo ngayong hapon ang Startalk dahil ipagdiriwang namin ang 18th year anniversary.
Kumbaga sa isang tao, teenager na ang Startalk. Parang debut ang mangyayari pero may showbiz flavor.
Magkakaroon ng live auction sa Startalk at mga bagong kaÂgamitan ng mga artista ang kasali sa bidding. Ang Startalk staff ang lumapit sa mga artista ng Kapuso Network para mag-donate sila ng mga gamit.
- Latest