^

Pang Movies

Hindi pa napapatunayang miyembro ng royal family anak ng showbiz couple, wala pang pinakikitang kakaiba

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Walang impact sa pagho-host ang isang young actress na anak ng showbiz couple. Binigyan pa naman siya ng tsansa ng kanyang mother network dahil siguro sa edukada na siya ay matangkad pa.

Ang problema ng young actress ay mababaw at pa-cute ang kanyang style ng hosting kapag naka-focus na ang camera. Para bang video jockey siya na nag-i-introduce ng KPop music video. Manipis din ang kanyang boses. Kung minsan ay nadadaig ng mga tao sa background ang boses niya na mas naririnig pa sa kanya.

Malapit pa naman siyang i-launch na sa TV series. Okay naman ang parents niya kahit nung nagsisimula pa lang at nagka-impact agad sa fans pero hindi yata namana ng young actress. Kung sa singing talent naman ay parang hindi pa niya napapatunayan ang ganda ng kanyang boses at ano ba ang kanyang genre.

Saan kaya pupuwede ang young actress na showbiz royalty?

Fans ng Wolverine dismayadokay Hugh Jackman

Nakakadismaya ang The Wolverine ni Hugh Jackman. Hindi nakatulong ang Japanese vibes. Kahit nga ‘yung fans na ni Hugh bilang Logan/Wolverine mula pa sa X-Men series ay hindi natuwa sa kinalabasan ng pelikula. “Anyare?” ang tanong nila.

Nakadagdag pa sa inis na ang pinaka-kaaway niya ay lolo na. Nagpa-stem cell therapy yata kaya imbes na mamatay na ay bumata pa. Hindi pa nakuntento si lolo at nag-ala Iron Man pa siya para puksain si Wolverine. Gusto niyang mapiga ang kung ano man ang merong kakaibang lakas na nananalaytay sa imortal na mutant.

Hindi rin naging maganda ang istorya ng love affair ni Wolverine sa Japanese leading lady at ang pabalik-balik na flashback ni Jean (Famke Janssen), ang kanyang namatay na asawa, na parang makulit na multo.

Ang magaling lang sa pelikula ay ang kapatid ng leading lady na Haponesang pula ang buhok. Mas may silbi pa ang role niya at kung bibigyan ng malisya ang ending ay baka maisip pa na sila naman ni Wolverine ang magkaka-affair. Iyon eh kung may susunod pang Wolverine solo film.

Jacob nagpaka-kontrabida kay Adam Sandler

Kung gusto n’yong mapasaya at ma-relax sa panonood ay nariyan ang Grown Ups 2. Hindi gaanong maganda ang feedback ng mga kritiko sa abroad dito sa Adam Sandler and company na pelikula katulad din sa Lone Ranger ni Johnny Depp pero alam n’yo ba na nakakaaliw sila?

Sayang at wala na ang Lone Ranger sa sinehan pero ang Grown Ups 2 ay kasalukuyan pang bumebenta sa lokal na takilya. Dahil action film naman talaga ang Lone Ranger ni Depp at ang kay Sandler ay comedy talaga, expected at tested na ang hagalpakan sa Grown Ups 2. Mas maloko pa nga ito sa una nang nagawa.

Walang humpay na katatawanan ang hatid ng pamilya nina Adam at Salma Hayek at ganun din ang mga kaibigan nila sa neighborhood na sa rami ay mahirap nang pangalanan isa-isa.

Eto na lang, sa fans ni Taylor “Jacob ng Twilight” Lautner d’yan, gora na kayo sa sinehan para makita ang kabaliwan ng pagka-kontrabida ng inyong idolo. Nakakagulat ano? Ganun nga, kontrabida ang bagets na hunk kay Daddy Adam!

Sinadya yatang hindi i-highlight sa promo ng pelikula si Taylor kasi parang ginawang surprise guest lang siya sa napakalaking cast (mga kaibigan ng actor-producer na si Adam). Pero nanggulat talaga ang young actor kasi sobrang nakakatuwa ang paglabas niya sa Grown Ups 2. Hindi siya naglabas ng abs o nang-akit dito tulad sa Twilight. Ang kakulitan niya at normal na pagka-bagets ang kanyang inilabas. Siyempre sa tulong ng komedyanteng si Adam Sandler ‘yun.

ADAM SANDLER

DADDY ADAM

FAMKE JANSSEN

GROWN UPS

HUGH JACKMAN

IRON MAN

JOHNNY DEPP

LONE RANGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with