^

Pang Movies

Actor tuloy sa kanyang bisyo, misis nagtitiis na lang para sa kanilang anak

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patuloy pa rin ang kalokohan ng isang celebrity kahit na nga puno na ng problema ang buhay niya. Sinisisi ng kanyang nonshowibz wife ang celebrity sa mabigat na pasanin na kinakaya niya ngayon.

Matigas din kasi ang ulo ng celebrity. Tuloy pa rin ang kanyang bisyo na para bang walang mabigat na obligasyon. Pinagpapayuhan na ang celebrity ng mga kaibigan na baguhin na ang buhay. Pero waring ayaw silang pakinggan.

Kaya naman ang pobre niyang misis, nagtitiis alang-alang sa kanilang mga anak.

Serye nila Bianca inspired sa pelikula ni Nora

Singapore-bound ang main cast ng Maghihintay Pa Rin ng GMA na sina Bianca King at Rafael Rosell. Kukunan ang eksena ni Rafael sa isang kulungan doon.

Napanood na namin sa pelikulang The Flor Contemplacion Story ang eksena nina Bianca at Rafael na nag-uusap sa loob ng kulungan na may hawak na phone at salamin lang ang pagitan nila. Hindi naman itinanggi ng creative staff ng afternoon prime na inspired ng nasabing Nora Aunor movie ang kuwento ng bagong GMA soap.

At least, si Rafael ang makakasama ni Bianca sa Singapore na hindi niya itinangging mas may atraksiyon sa kanya kumpara sa isa niyang leading man na si Dion Ignacio, huh!

Mga preso naantig sa pangako ni Dingdong

Nagbigay muna ng courtesy call si Dingdong Dantes sa governor at vice governor ng Cebu City kahapon bago siya pumunta sa Cebu Rehabilitation Center upang dumalo sa premiere night ng movie niyang Dance of the Steel Bars.

Nangako kasi si Dong sa mga Cebu inmate na may partisipasyon sa movie na una niyang ipapapanood sa kanila ang pelikula bago ito ipalabas nationwide.

Sa June 12 ang showing ng Dance of the Steel Bars nationwide sa SM Cine­mas.

vuukle comment

BIANCA

BIANCA KING

CEBU CITY

CEBU REHABILITATION CENTER

DANCE OF THE STEEL BARS

DINGDONG DANTES

DION IGNACIO

FLOR CONTEMPLACION STORY

MAGHIHINTAY PA RIN

RAFAEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with