^

Pang Movies

AiAi may hinihintay pa bago pakasal

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nag-deny si AiAi delas Alas, hindi pa naman daw sila nagpapakasal ng kanyang boyfriend na si Jed Salang. Marami kasi ang nag-isip nang ganun nang mabanggit ni AiAi sa interview ang boyfriend bilang “ang asawa ko.” Pero sinasabi nga ni AiAi na natural na tawagan lang nila iyon ni Jed. Hindi ibig sabihin ay legal silang mag-asawa.

Kung sabagay, kung pakikinggan mo nga ang usa­pan kahit na ng mga kabataang babae ngayon, parang normal na sa kanila ang magsabi ng mga salitang “asawa ko,” na ang totoo ay boyfriend pa lang naman.

Sabi nga, terminology lang naman iyon eh. Hindi naman ibig sabihin ay talagang ganoon na rin ang commitment. Sa kaso nina Jed at AiAi ay wala namang problema kung magpakasal man sila o hindi. Masasabing walang legal impediment to marriage pero pareho nga silang naniniwala na darating ’yun sa kanilang buhay pero hindi naman sila nagmamadali.

Sinasabi nga nila, hindi naman sila dalaga’t binata nang magkakilala. Pareho na silang may nakaraan. Naniniwala silang mas mabuti na muna ang gan­yang relasyon para sa pagdating ng araw kung magkaroon ng problema ay mabilis din ang solusyon. Kung dumating naman ang mga taon na wala silang problema sa kanilang pagsasama, bakit nga hindi sila pakakasal? 

Sa ngayon naman ay happy sila sa ganoong pagsasama kahit wala pa ang basbas ng kasal.

Iwa inunahan sa pagdadaldal si Pampi

Kay Iwa Moto mismo nanggaling na sa ngayon ay inaayos na ng kanyang kasalukuyang boyfriend na si Pampi Lacson ang annulment ng kasal kay Jodi Sta. Maria. Kasal kasi sina Pampi at Jodi at meron pa silang isang anak.

Si Iwa naman pala ay may problema rin. Dahil inamin na niya ngayon na nagpakasal din naman pala siya sa dati niyang boyfriend na si Mickey Ablan.

 Si Jodi naman ay ayaw mag-comment sa mga sinasabi ni Iwa. Gusto na lang niyang manahimik tungkol sa mga bagay na iyon. Pero inaamin niyang masaya naman ang buhay niya ngayon sa piling ni Jolo Revilla.

Kahit libre na Singer payag pagamit ang kanta sa commercial basta isisingit siya

Payag ang singer na gamitin sa commercial ang isang lumang kantang napasikat niya pero kailangang nakasingit din siya roon kahit na hindi na siya bayaran.

Gusto lang siguro niyang masabing may trabaho pa siya na may kumukuha pa sa kanya. Napakasakit nga namang tanggapin kung minsan na ikaw ay laos na.

 

vuukle comment

JED SALANG

JODI STA

JOLO REVILLA

KAY IWA MOTO

MICKEY ABLAN

NAMAN

PAMPI

PAMPI LACSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with