^

PSN Opinyon

Alamin ang sintomas ng depression

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Kadalasan nararanasan ang mga sumusunod na sintomas ng higit sa dalawang linggo.

1. Malungkot, kinakabahan at parang may laging kulang sa buhay mo.

2. Nawawalan ng pag-asa at napaka-negative sa buhay.

3. Pakiramdam na walang kwenta ang iyong buhay at walang makatutulong sa iyo.

4. Hindi mo na nae-enjoy ‘yung mga bagay na dati nae-enjoy mo.

5. Hindi ka maka-concentrate, hirap makaalala ng mga bagay at hindi makagawa ng magandang desisyon.

6. Sobra-sobrang tulog o hindi makatulog.

7. Nagbago ang iyong gana sa pagkain.

8. Bumibigat o labis na bumabagsak ang timbang.

9. Hindi ka mapakali at laging iritable.

10. Nag-iisip ka na na magpakamatay.

Maaaring hindi mo nararanasan lahat ng ito. Ang tawag ng mga doktor ay “major depression” kapag nararanasan mo ang at least limang sintomas na nabanggit sa loob ng dalawang linggo o higit pa. Ang mga taong mayroong major depression ay nakakaranas din ng sintomas tulad ng sakit sa tiyan, sakit sa ulo at iba pa.

Ang depression ay maaaring mild hanggang severe. Maaari kang kumonsulta sa doktor kapag naranasan ang mga sintomas ng higit sa dalawang linggo. Kung mayroon ka ring mga kamag-anak na nakakaranas nito lalo na ang may mga suicidal thoughts, hikayatin silang humingi ng tulong mula sa doktor. Ang mga psychiatrist ang espesyalista sa mga sakit tulad ng depression.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with