^

PSN Palaro

Lady Bulldogs sinakmal ang twice-to-beat

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinispatsa ng defen­ding champion National University ang laglag ng Ateneo de Manila University, 25-16, 25-15, 25-21, sa UAAP Season 87 women’s volleyball tournament na nilaro sa Smart Araneta Coliseum, kahapon.

Kinapitan ng Lady Bulldogs ang tikas ni Alyssa Solomon upang masikwat ang panalo at masiguro ang top seeding pagkatapos ng 14-team double round robin.

Hindi nakapaglaro ng dalawang beses si Solomon dahil sa injury at sa kanyang pagbabalik ay naitaguyod nito ang NU sa panalo at makakuha ng twice-to-beat advantage sa susunod na phase.

Si Mhicaela Belen ang namuno sa opensa para sa NU habang si Solomon ang mga tumikada ng mga importanteng puntos.

Kumana si Belen ng 16 points mula sa 12 attacks at tig-dalawang blocks at service aces para sa Lady Bulldogs na tangan ang 11-2 karta.

Samantala, buhay pa ang tsansa ng University of the Philippines sa asam na pumalo sa final four matapos silatin sa limang sets ang De La Salle University, 26-24, 18-25, 19-25, 25-22, 16-14 sa ikalawang laro.

Kinapitan ng Lady Maroons sina Joan Monares, rookie standout Kianne Olango  at American middle blocker Kassandra Doe­ring upang tulungan ang koponan na ilista ang 6-6 karta at puwestuhan ang No. 5 spot sa team stan­dings.

May dalawang natitirang laro pa ang Lady Maroons sa eight-team double round robin at kaya pa nilang makawalong panalo para manatiling buhay ang tsansa sa semis.

ALYSSA SOLOMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with