^

PSN Palaro

Cone priority muna Gilas kaysa Ginebra

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Cone priority muna Gilas kaysa Ginebra
Coach Tim Cone
STAR / File

MANILA, Philippines — Gilas Pilipinas muna at hindi Barangay Ginebra ang nasa kokote ni head coach Tim Cone ngayong buwan para sa krusyal na misyon sa Window 5 ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifier sa Nob­yembre 27 hanggang 29 sa Seremban, Malaysia.

“Right now, I’ve got to change my hat from Ginebra to Gilas,” ani Cone na lilipad kasama ang buong 12-man Gilas sa Sabado pa-Malaysia.

“I’m not going to focus on that one (TNT) right now. I’ve got Gilas duties coming up first. All  the other teams have all the time to rest and prepare, and were not gonna have that opportunity with Ginebra, not at least with a full team.”

Sa Malaysia ay mag-aabang sa kanila ang Syria sa Nov.  27 at Iran sa Nov. 29 para sa pagpapatuloy ng 2nd round, kung saan kaila­ngang manalo ng Gilas nang 3 beses sa huling 4 na salang nila.

May 4-4 kartada ang Gilas sa Group E para sa ikalimang puwesto sa ngayon. Tanging ang Top 3 teams lang kada grupo at ang Best No. 4 team sa parehong grupo kasama ang Group F ang siya lang makakapasok sa 2027 World Cup sa Qatar.

Walang training camp ang Gilas sa Maynila kaya sa Malaysia na titipunin ni Cone ang 12 manlalaro sa pangunguna ng bagong natura­lized player na si Bennie Boatwright bilang kapalit ng injured na si Justin Brownlee.

Nagkaroon ng buong atensyon si Cone dito dahil sa halos isang buwang pahinga ng PBA Season 50 Governors’ Cup na sa Disyembre 4 pa lalaraga tampok ang Ginebra kontra sa Talk ‘N Text at NLEX kontra sa Converge upang bigyan ng sapat na ensayo ang Gilas.

Ayon kay Cone, walang lugar ang Gin Kings nga­yon sa kanyang preparas­yon lalo’t kasama rin si Scottie Thompson, assistant coach Richard Del Rosario at ibang Ginebra staff sa biyahe ng Gilas.

“We comeback on the 1st (December) and then we got a play on the 4th. So, it’s going to be a tough road for us,” dagdag ni Cone. “That’s the sacrifice Ginebra as an organization makes for the Gilas team and it’s a tough one.”

SPORTS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with