^

PSN Palaro

Eala nasa alapaap pa rin

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala nasa alapaap pa rin
The Philippines' Alexandra Eala reacts after a point against Japan's Himeno Sakatsume during their women's singles at the Philippine Women's Open tennis tournament in Manila on January 28, 2026.
Ted Aljibe / AFP

MANILA, Philippines — Nasa alapaap pa rin si Alex Eala na hindi pa rin makapaniwala na hawak na nito ang No. 15 sa ranking ng Women’s Tennis Association (WTA).

Sa kanyang post sa social media, sinabi ni Eala na kung isang panaginip lamang ito, ayaw na nitong magising.

“If this is a dream never wake me up,” ani Eala.

Proud na proud ang Rafa Nadal Academy sa tagumpay ni Eala.

Makulay na winakasan ni Eala ang 2026 season tangan ang naturang career-high ranking — malayo sa kanyang Top 50 position bago magsimula ang taong ito.

Maganda ang season na ito kay Eala matapos magtala ng malalaking tagumpay kabilang na ang panalo nito kay American netter Jessica Pegula sa finals sa Mubadala D.C. Open sa Washington DC upang masungkit ang kanyang kauna-unahang WTA title.

Kaya naman hindi pa rin ito nagsi-sink in sa Pinay netter.

Sa hiwalay na post sa social media, ibinahagi ng Rafa Nadal Academy ang pagiging proud nito kay Eala bilang dating scholar ng akademiya.

“Wonderful Alex! World No. 15! What a season, Alex Eala! As always, we are beyond proud of you. Marami pa tayong aabutin,” ayon sa post ng Rafa Nadal Academy.

Mismong si Eala na ang nagsabing marami pa itong pangarap sa kanyang tennis career.

Nagsisimula pa lamang ito kaya’t marami pa itong kailangang matutunan upang mas lalo pang gumanda ang bawat laban nito.

Numero unong target ni Eala ang makakuha ng major win partikular na sa apat na Grand Slam tournaments — ang Australian Open, French Open, Wimbledon at US Open.

Sisimulan ni Eala ang 2026 season sa ASB Classic sa Auckland, New Zealand na magsisilbing pre-season game nito para sa Australian Open.

Sa ngayon, enjoy muna si Eala sa bakasyon kasama ang kanyang pamilya.

SPORTS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with