^

PSN Palaro

PLDT, Choco Mucho agawan sa semis spot

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
PLDT, Choco Mucho agawan sa semis spot
Asahan ang matin­ding hatawan sa pa­gitan nina Choco Mucho  Eya Laure  (itaas na la­rawan) at Savi Davison ng PLDT sa kanilang  paghaharap ngayon.
PVL photo

MANILA, Philippines — Pag-aagawan ng PLDT at Choco Mucho ang ikatlong semifinals berth sa ka­nilang krusyal na duwelo sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab Series.

Magtutuos ang High Speed Hitters at Flying Titans ngayong alas-6 ng gabi, habang maghaharap ang parehong talsik nang Capital1 Solar Spikers at Galeries Tower Highrisers sa ala-1 ng hapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Swak na ang Nxled (7-0) at Farm Fresh (5-2) sa semifinals, habang ang dalawang natitirang tiket ay pag-aagawan ng Creamline (4-3) PLDT (4-3) at Choco Mucho (4-3).

Sibak naman ang Akari (3-5), ZUS Coffee (2-5), Capital1 (2-5) at Galeries Tower (2-5).

Sa tournament format, ang top four teams matapos ang single round-robin elimination ang maglalaro sa semifinals kung saan ang top two squads ang bibigyan ng ‘twice-to-beat’ bonus kontra sa No. 3 at No. 4 seeds.

Ang championship round ay isang best-of-three series.

Kapwa nagmula sa panalo ang High Speed Hitters at Flying Titans bago ang kanilang mahalagang upakan para sa ikatlong semifinals spot.

Tinalo ng PLDT ang Galeries Tower, 25-13, 25-23, 23-25, 25-18, habang pinadapa ng Choco Mucho ang Creamline, 23-25, 25-13, 25-23, 22-25, 15-13, sa mga huli nilang laro.

“If we’re all on the same page, if we’re all ready to compete, I feel like we can give anyone a hard time,” ani Fil-Canadian Savi Davison ng High Speed Hitters. “So, it’s really up to us and how our preparation goes this week, and hopefully we come prepared.”

Muling makakatuwang ni Davison sina Kim K­ianna Dy, Majoy Baron, Mika Reyes, Alleiah Malaluan, Dell Palomata, setter Kim Fajardo at libero Kath Arado.

Hindi rin aatras sa laban ang Flying Titans na babanderahan nina Eya Laure, Sisi Rondina-Rosales, Maddie Madayag, Caitlyn Viray, Kat Tolentino, setter Alina Bicar at libero Dawin Catindig.

SPORTS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with