One Bucket
As expected, sokpa sa PBA Commissioner’s Cup finals ang TNT at Ginebra.
And with due respect sa Rain or Shine at NorthPort, ang No. 1 team sa eliminations, parang nag-warmup lang ang TNT at Ginebra.
Parehong 4-1 natapos ang semis. Halos ma-sweep pero nag-menor ng konti. In short, one-sided ang semis.
Kaya ngayon, best-of-seven finals ang next showing. Third showdown ng TNT at Ginebra sa finals matapos ang dalawang sunod na bakbakan nila sa Governors’ Cup noong 2022 and 2024.
Parehong panalo ang TNT, 4-2.
Kaya revenge ang habol ng Ginebra sa serye na magsisimula sa Friday. Isang linggo ang pahinga. Pabor sa mga may iniinda.
Kaso, talagang out sa serye si Jayson Castro ng TNT dahil sa knee injury. Malaking kawalan para sa TNT.
But it doesn’t mean na dehado ang TNT dahil malalim din ang bench at may super import.
At dahil sa dalawang sunod na panalo ng TNT over Ginebra sa Governors’ Cup, may konting momentum ang Tropang Giga.
Siguradong maraming pustahan sa serye. Pero sa ngayon, wala pa akong manok.
Friendly bet lang kung pupusta man ako: one bucket ng SMB.
- Latest