Batch ni Fajardo pararangalan ngayon

MANILA, Philippines — Pormal na pararangalan ang bagong 10 stars na bubuo sa PBA 50 Greatest Players ngayong gabi sa Solaire North Grand Ballroom sa Quezon City
Pinamunuan nina eight-time MVP winner June Mar Fajardo at 2021 MVP awardee Scottie Thompson ang bagong mga players sa listahan na inihayag ng PBA Selection Committee noong Abril 2.
Kasama nina Fajardo at Thompson sina Nelson Asaytono, Jeffrey Cariaso, Bong Hawkins, Abe King, Danny Seigle, Manny Victorino, Yoyoy Villamin at ang yumaong si Arnie Tuadles.
Sina dating PBA Commissioner Sonny Barrios, Ramon Fernandez, Atoy Co, Allan Caidic, Dante Silverio, Quinito Henson, Andy Jao, Al Mendoza, Ding Marcelo at Nelson Beltran ang bumubuo sa PBA Selection Committee.
Kasabay ng pagluluklok sa grupo ni Fajardo ay ang pagdiriwang ng PBA ng kanilang golden anniversary.
Inimbitahan sa Solaire North affair ang naunang 25 at 15 all-time PBA greatest players na hinirang noong 2000 at 2015, ayon sa pagkakasunod.
Ang first batch ay pinamunuan nina Fernandez, Co, Caidic, Robert Jaworski, Bogs Adornado, Abet Guidaben, Benjie Paras, Samboy Lim, Alvin Patrimonio at Johnny Abarrientos.
Nasa second batch sina Danny Ildefonso, Willie Miller, James Yap, Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand, Jimmy Alapag at Arwind Santos.
Sa pagtatapos ng Season 50 sa Oktubre 5 ay magkakaroon ng isang special ceremony tampok ang grand reunion ng mga players, officials at iba pang personalities.
- Latest