Junior Altas lalapit sa titulo vs Greenies

MANILA, Philippines — Ang paglapit sa kauna-unahang korona ang hangad ng University of Perpetual Help System DALTA sa pagsagupa sa College of St. Benilde-La Salle-Greenhills sa NCAA Season 100 juniors basketball finals.
Magrarambulan ang Junior Altas at Greenies ngayong alas-2:30 ng hapon sa Game One ng kanilang best-of-three championship series sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
Puntirya ng Perpetual nina coach Joph Cleopas at school owner Dr. Tony Tamayo ang kauna-unahang NCAA crown simula nang sumali sa liga noong 1984.
Ang ikalawang sunod na titulo naman ang target ng CSB-LSGH ni dating PBA guard Ren-Ren Ritualo, Jr. matapos maghari sa Season 93 noong 2017.
Pinatalsik ng No.1 Junior Altas ang No. 4 San Beda Red Cubs, 96-87, sa Final Four habang dalawang beses binigo ng No. 3 Greenies ang No. 2 at back-to-back champions Letran Squires, 78-74 (overtime) at 78-77, papasok sa finals.
Parehong nagbitbit ang Perpetual at Letran ng ‘twice-to-beat’ advantage sa semifinals kontra sa San Beda at CSB-LSGH, ayon sa pagkakasunod.
Sina Lebron Jhames Daep, Jan Roluna, Icee Callangan, JD Pagulayan, Aries Borja, Kelsey Baldoria, Kurt Velasquez, TJ Tabbuan, Jim Corpuz, Keanne Zanoria at Lance Nitura ang babandera sa Perpetual.
Pamumunuan nina Gillian Quines, Dale Ortega, Arle Podador, Gian Gomez, James Ison, Frank Osis at Ram Sharma ang CSB-LSGH.
- Latest