^

PSN Palaro

Doguna inakay ang Lyceum sa panalo

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilampaso ng Lyceum of the Philippines University sa tatlong sets ang Jose Rizal University, 25-22, 25-17, 25-19 sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament 1st round eliminations na nilaro sa SSC-R Gym, kahapon.

Nagsalansan si Joan Doguna ang 14 points mula sa 12 attacks at dalawang service aces upang tulungan ang Intramuros-based squad na ilista ang 3-6 karta at upuan ang No. 7 sa team standings sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa first round.

Kinamada naman ni Johna Denise Dolorito ang 13 markers, siyam ang binanatan ni Janeth Tulang habang tig anim ang binakas nina Hiromi Osada ay Heart Bio para sa Lady Pirates na babaunin nila ang momentum sa second round elims.

Tumikada naman si Nicole Grace Deala ng nine markers habang tig pito ang iniskor nina Mailey Amante at Patricia Ann Del Pilar pero hindi sapat upang itaguyod sa panalo ang Lady Bombers na nalasap ang pang-walong talo sa siyam na salang.

Dahil sa panalo, malaki pa rin ang tsansa ng Lady Pirates na sumampa sa susunod na phase pagkatapos ng 10-team double round robin elims.

Sa unang laro, nagwagi ang Lyceum of the Philippines University sa tatlong sets kontra Jose Rizal University, 25-22, 25-17, 25-19.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->