Estudyante nanalo ng P500,000 sa Ruby Riches

MANILA, Philippines — Isang 23 anyos na estudyanteng si James Angelo ng Plaridel, Bulacan ang masuwerteng nanalo ng jackpot na P500,000 sa larong Ruby Riches sa Scratchit ng Philippine Charity Sweepstakes Office kamakailan.
Naibahagi ni James na minsanan lang siya tumataya sa Scratchit pero hindi niya inasahang, sa pagbili niya ng dalawang tiket ng Ruby Riches sa isang outlet ng Lotto sa Waltermart sa Plaridel noong Mayo 24, isa na rito ang nanalo ng jackpot na P500,000.
Nagpahayag ng kasiyahan at pasasalamat sa Scratchit si James na nagsabing gagamitin niyang pangnegosyo ang napanalunan niyang pera.
Ipinapayo rin ni James sa ibang mga tumatangkilik sa Scratchit na maglaro lang hanggang sa Manalo. Sa mga tumataya, “huwag abusuhin, kontrolado lang.”
Ang ScratchIt ay isang lottery game ng PCSO kung saan kinakaskas ng player ang play area ng biniling tiket para makita ang symbols or patterns na magma-match sa instant cash prizes.
Sa Ruby Riches, maaaring Manalo ng mula P500 o P5,000 at hanggang P500,000.
Bukod sa Ruby Riches, kabilang sa mga klase ng mapaglalaruang Scratchit ang RED HOT 7’s, GO FOR GOLD 20, GO FOR GOLD 50 at Instant Keno.
Editor's Note: This press release for ScratchIt is not covered by Philstar.com's editorial guidelines.
- Latest