WBO champion gustong hamunin ang sinuman kina Pacquiao at Barrios

MANILA, Philippines — Ngayon pa lamang ay may gusto nang humamon sa mananalo sa championship fight nina dating world eight-division champion Manny Pacquiao at welterweight king Mario Barrios.
Sinabi kahapon ni World Boxing Organization (WBO) title-holder Brian Norman, Jr. na kaagad niyang hahamunin ang magwawagi sa upakan nina Pacquiao at Barrios sa Hulyo 19 sa Las Vegas, Nevada.
Puntirya ng 46-ayos na si Pacquiao ang suot na World Boxing Council (WBC) welterweight crown ng 30-anyos na si Barrios.
“Whoever wins, Mario Barrios or the great Manny Pacquiao, the WBC belt is mine. So, whoever wins that, shout out to him. But you got a young gun in the game. Lets make it happen,” sabi ni Norman na may malinis na 28-0-0 win-loss-draw ring record kasama ang 22 knockouts.
Kasalukuyan nang nasa maigting na preparasyon si Pacquiao (62-8-2, 39 KOs) para sa hangaring maagaw kay Barrios (29-2-1, 18 KOs) ang hawak nitong WBC belt.
Sinimulan na ni ‘Pacman’ ang sparring session sa Wild Card Boxing Gym ni Hall of Fame trainer Freddie Roach sa Los Angeles, California.
Kumuha ang Team Pacquiao ng matatangkad na sparmates para gayahin ang kilos ng 5-foot-10 na si Barrios.
Isa na rito si Russian prospect Dariial Kuchmen (9-0-0) na humanga sa bilis at lakas ni Pacquiao.
Huling lumaban si Pacquiao noong 2016 kung saan siya natalo kay Cuban Yordenis Ugas via unanimous decision at nabitawan ang bitbit na WBA title.
- Latest