Ironman
May coming soon na Ironman sa PBA.
Dehins pelikula ng Avengers kundi Ironman record sa most consecutive games played na walang sablay.
Si LA Tenorio ang may hawak ng record na 744 games. Walang mintis, walang absent, walang ‘Ma’am, may I go out?”
Mula nung ma-draft siya ng San Miguel Beer in 1986, wala siyang na-miss na game hanggang lumipat siya sa Alaska at Ginebra.
Ibang klaseng record na napatid lang nung nagkasakit si LA in 2023.
Si Mark Barroca ng Magnolia ang next in line dahil bago na-tsugi ang team niya sa PBA Commissioner’s Cup, naka-605 straight games na siya.
Dalawa lang sila ni LA ang umabot sa 600. Si Alvin Patrimonio ang next na may 596.
Mahirap habulin ang record ni Tenorio specially na 38 years old na si Barroca. Actually, 39 na siya sa April.
Kahit siguro maglaro pa siya ng three to five years baka dehins niya makuha ang 140 games para mabura ang record ni LA.
Parang Malabo.
Pero saludo pa din ako kay Barroca dahil mahirap na din pantayan ang 600-plus consecutive games.
Pang Ironman 2.
- Latest