^

PSN Palaro

Chess great pinuri si Canino

Joey Villar - Pilipino Star Ngayon

BUDAPEST, Hungary -- Pinuri ni dating national chess team mainstay Girme Fontanilla ang talento ni 16-year-old wonder Ruelle Canino.

“She’s a great talent,” sabi ng 74-anyos na si Fontanilla kay Canino na bahagi ng Philippine women’s team na kumuha ng gold medal sa 45th FIDE Chess Olympiad dito.

Si Fontanilla ay miyembro ng iconic team na nagtala ng best finish na 22nd overall ng national women’s squad sa Olympiad history noong 1988 sa Thessaloniki, Greece.

Umiskor si Canino ng six points mula sa limang panalo, tampok dito ang paggulat kina Woman Grandmasters Claudia Amura ng Argentina at Carmen Voicu-Jagodzinsky ng Romania, limang draws at isang talo sa kanyang Olympiad debut.

Dahil dito ay nakakuha si Canino ng 102 points para umakyat sa WIM level 2260 kasama rito ang kanyang kampanya sa Europe.

Kung mas marami pa siyang sinalihang torneo ay nakamit na niya ang Woman International Master norm.

Umeksena rin si Daniel Quizon na naglista ng 5.5 points para makuha ang Grandmaster title.

“Given more experience and international exposure, those two should go places. We’re also seeing two pro­mising young players who could be fixtures of our national teams for a very long time,” ani national women’s coach at NCFP chief executive officer GM Jayson Gonzales.

CHESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with