^

PSN Palaro

3 Pinay gymnasts goodbye Paris na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
3 Pinay gymnasts goodbye Paris na
Gymnast Levi Jung-Ruivivar.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Muling nalagasan ang Team Philippines matapos mamaalam sa kontensiyon ang tatlong Pinay gymnasts sa 2024 Paris Olympics gymnastics competition na ginanap sa Bercy Arena.

Naiwan na sa balika ni two-time world champion Carlos Yulo ang pasaning makasungkit ng medalya sa gymnastics matapos mabigo sina Levi Ruivivar, Emma Malabuyo at Aleah Finnegan na magkwalipika sa kani-kaniyang events.

Hindi nakapasok sa Top 24 sa individual all-around ang tatlo kung saan nagkasya sa ika-40 si Ruivivar na may 51.099 points habang ika-41 naman si Malabuyo na may katulad na 51.099 points.

Nasa ika-47 naman si Finnegan tangan ang 50.498.

Tanging ang 24 top gymnasts lamang ang nakapasok sa final round ng all-around event.

Wala ring nakahirit ng tiket sa apparatus kung saan ang walong mangungunang atleta sa bawat kategorya ang papasok sa finals.

May 13.383 puntos si Finnegan sa vault habang nagtala si Ruivivar ng 13.266 at nakakuha naman si Malabuyo ng 13.600 — subalit hindi ito sapat para makapasok sa Top 8.

Sa balance beam, nasa ika-57 si Malabuyo (12.233) habang ika-64 naman si Ruivivar (11.866) at ika-71 si Finnegan (11.466).

Tumapos naman si Malabuyo sa ika-25 sa floor exercise bitbit ang 13.000 points habang ika-37 si Finnegan na may 12.733 points at ika-54 si Ruivivar na may 12.433.

Sa uneven bars, nasa ika-40 si Ruivivar (13.200) habang ika-58 si Finnegan (12.566) at ika 60 si Malabuyo (12.500).

May tsansa pa ang Pilipinas na makasikwat ng medalya sa gymnastics dahil hahataw si Yulo sa tatlong finals events.

Unang masisilayan si Yulo sa finals ng all-around bukas (Miyerkules) sa alas-11:30 ng gabi (oras sa Maynila)

Sasalang din si Yulo sa finals ng floor exercise sa Agosto 3 sa alas-9:30 ng gabi gayundin sa finals ng vault sa Agosto 4 sa alas-10:24 ng gabi — parehong oras sa Maynila.  

vuukle comment

CARLOS YULO

TEAM PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with