^

PSN Palaro

Sakit sa ulo

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Nabunutan ng tinik ang TNT at lumipat lang sa lalamunan ng Converge.

Ito ang sitwasyon matapos ang higanteng trade ni Mikey WillIams at Jordan Heading.

Habang maayos na ang takbo ni Heading sa TNT, bomalabs ang lagay ni Williams at ng Converge.

Halos two years tumagal ang contract dispute ng TNT at ni Williams. Natural, two years older na din ang matinik na point guard.

Thirty-four na si Williams, ang two-time champion at Finals MVP ng TNT.

Pero matapos ma-trade sa Converge, ang balita eh humihingi siya ng monthly salary na P1.5 million.

Baka daig pa ang hari ng PBA na si June Mar Fajardo.

Kaya ang ugong eh naka-tengga ang usapan nila. Ang ulat nga ng spinner na si Homer Sayson, no communication ngayon ang TNT at ang Fil-Am player.

Nagtataka naman ako bakit pinasok ng Converge ang trade na dehins pa malinaw ang usapan nila kay Williams.

Dahil kung alam lang nila, hindi na sana nila pinakawalan si Heading.

Huwag sana sumakit ang ulo ni Gob Delta Pineda ng Converge.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with