Alas Pilipinas gagawa ng history sa AVC

MANILA, Philippines — Malaki ang tsansa ng Alas Pilipinas na makasampa sa finals ng 2025 AVC Women’s Volleyball Nations Cup sa Hanoi, Vietnam.
Tinalo kasi ng mga Pinay spikers ang katapat na Chinese-Taipei, 25-13, 25-21, 25-18, sa 2024 AVC Challenge Cup patungo sa kanilang four-game sweep sa Pool A.
Bumandera sa nasabing panalo sina Eya Laure, Vanie Gandler at veteran setter Jia Morado-De Guzman
“I think the main goal for us is to play these teams and keep on performing good,” sabi ni Brazilian head coach Jorge Souza de Brito sa mga Pinay hitters na kinuha ang makasaysayang bronze medal sa 2024 Challenge Cup na inilaro sa Rizal Memorial Coliseum.
Nakatakdang harapin ng Nationals ang mga Taiwanese kagabi sa knockout semifinals papasok sa finals ng torneong dalawang sunod na beses pinagreynahan ng Vietnam.
Katapat ng mga Vietnamese ang Kazakhstan sa isa pang semis game.
Winalis ng Alas Pilipinas ang Kazakhstan, 25-21, 25-15, 25-19, noong Huwebes para tumapos na may magkaparehong 4-1 record.
Nanguna sa Nationals sina collegiate standouts Angel Canino, Bella Belen at Alyssa Solomon.
Dahil dito ay nakuha ng Alas Pilipinas ang No. 1 spot sa Pool B katapat ang Pool A second seed Chinese-Taipei.
Pinatumba ng mga Taiwanese ang India, 25-16, 25-20, 22-25, 25-17, sa huli nilang laro sa Pool A para tumapos bilang No. 2 ranked team bitbit ang 3-1 marka sa ilalim ng No. 1 Vietnam (4-0).
- Latest