Antone wagi ng bronze sa Asian Championships
MANILA, Philippines — Sumikwat ng bronze medal si Elisabeth Antone sa individual all-around ng 18th Junior Women’s Artistic Gymnastics Asian Championships na ginanap sa Jecheon, South Korea, Biyernes ng gabi.
Nakapagtala si Antone ng total 48.565 points para lumanding sa third sa likuran nina Minami Tobi (51.166) at Ayu Sarada (50.466) ng Japan.
Sinamahan ni Antone ang magkapatid na sina Carlos at Eldrew Yulo sa listahan ng nakakuha ng medal.
Isang hapon ang pumuwesto pa sa third ito ay si Nanami Togo na nilista ang 49.865 points, pero kinabig ni Antone ang bronze dahil sa ipinatutupad na two-per-country rule.
May pagkakataon pang makasungkit ng medalya si Antone dahil swak siya sa tatlong apparatus finals, lumanding ito sa fourth sa vault (12.416) at uneven bars (11.500), at seventh sa floor exercise (12.066).
Sumablay si Antone sa balance beam, kung saan ay tumapos lamang na pang ninth sa nirehistrong 12.233 points.
- Latest