^

Pang Movies

Anne, naalala ang mga katrabaho sa hayop!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Anne, naalala ang mga katrabaho sa hayop!
Anne Curtis

Nakabalik na ang It’s Showtime host na si Anne Curtis sa noontime variety show pagkatapos nitong maging abala sa mga proyekto nito.

Nakatanggap naman ang misis ni Erwan Heussaff ng masayang pagbati mula sa kanyang co-hosts sa programa.

Nagpasalamat nga siya dahil for the ac­ting comeback na naman daw siya.

Maaalala nga nanggaling din sila ng kanyang pamilya kasama ang anak na si Dahlia at pamilya nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico, at mga anak nilang sina Thylane at Maëlys sa South Africa kung saan na-enjoy nila ang panonood sa mga hayop doon.

Kaya naman biniro niya ang mga kapwa-Showtime hosts, sobra raw niyang na-miss ang mga ito habang wala siya pero naiisip naman niya ang mga ito dahil ang dami raw animals sa South Africa.

Nang tanungin siya ng mister ni Regine Velasquez na si Ogie Alcasid kung anong hayop iyon ay sagot nito “Wala pa siya dito ngayon. Tuwang-tuwa kasi si Dahlia, ang cute ng mga zebra doon. So cute.”

Sobrang na-miss daw talaga niya kasi ang mga ito at nagpasalamat siya sa pag-intindi ng mga ito dahil bukod nga sa bakasyon niya kasama ang pamilya at abala rin siya sa mga proyekto sa kanyang pagbabalik sa pag-arte.

“Pero seriously, I really missed all of you so much. But thank you for understanding. Acting comeback tapos family time, and of course, I’ll always make time for my Showtime family,” sey ng Filipina-Australian beauty.

vuukle comment

ANNE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with