^

Pang Movies

Aga, naawa sa panginginig ni Andres!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Aga, naawa sa panginginig ni Andres!
Andres

Parehong “I need to work,” ang sagot nina Andres at Atasha Muhlach nang tanungin sa mediacon ng Da Pers Family, their first acting project at first regular TV show ni Andres.

After college, kailangan daw nilang magtrabaho at dumating ang chance na ‘yun sa nasabing sitcom na mapapanood na simula sa July 21, 7:15 p.m., sa TV5. Big bonus pa na kasama nila ang parents nilang sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez-Muhlach. Habang nagtatrabaho, makakapag-bonding din silang mag-anak.

Tanong kina Andres at Atasha how it is working with his family?

“I’m very happy and very excited. We’ve been working together as a family sa mga endorsement. It’s easier to work with them. Magaan sa loob,” sagot ni Andres. Sinundan ni Atasha ng “this is a great opportunity, a sitcom with my parents.”

Ayon pa kay Andres, hindi niya expected na makakasama sa work ang kanyang pamilya lalo na at nagsisimula pa lang siya sa showbiz. “Never kong in-expect ito. One day, the offer came and it sounds exciting and fun.”

Very special kay Charlene ang sitcom dahil magkakasama sila ng kanyang pamilya, kaya “passion project” ang tawag niya. Iba naman si Aga na ang sabi, “First time ko to work with the kids it was difficult for me. Dati, ako lang ang nagtatratabaho, ngayon, kasama ko na ang mga bata. Binabantayan ko ang mga linyahan nila, pero ako ang pinakamasaya sa pagpasok nila sa industry.”

May kuwento pa si Aga, naawa raw siya kay Andres sa isang eksena dahil sa sobrang nerbyos, nanginginig ang mga kamay nito. Kinausap daw niya ito pagdating nila sa bahay na alisin ang nerbyos.

Priscilla, sinisisi sa pambababae ni John!

Sa mga nababasa naming comment sa isyu nina John Estrada at Priscilla Meirelles,  hindi lahat nakikisimpatiya kay Priscilla. Ang iba nga, siya ang sinisisi na para bang kasalanan niya ang pagkaka-link ni John sa ibang babae.

Kung noong una pa lang daw na nagloko si John ay inaksyunan na niya ng matinding aksyon, hindi na uulit ito. Kaya lang, si Priscilla raw, kapag sinuyo, nilambing, bobolahin, nakakalimutan na ang kasalanan ni John at balik na sila sa dati na parang walang problema.

May nag-comment naman na kaya may warning ito na hihiwalayan si John dahil gusto lang na suyuin siya. Sabi pa nga ng netizens, pagbalik ng bansa ni Priscilla, napatawad na nito ang asawa.

May mga nega comment din sa kanya, kaya raw hindi mahiwalayan si John dahil maganda ang buhay niya rito at may maganda silang bahay. Kinontra ito ng ibang netizens at sinabing maayos din ang buhay nila Priscilla sa Brazil.

Samantala, magagalit nito si John dahil may fake news na pinalalabas na sinabi raw niya na napaka-nega. Diumano nagpahayag ito ng “Lalake ako, maraming nagkakagusto sakin kasi matipuno at gwapo tayo. Anong magagawa ko kung tukso na yung lumalapi, edi tukain.”

Halata namang fake news ito at hindi nito sasabihin, pero marami pa rin ang naniwala at may 2.2M views na. ‘Kaloka!

vuukle comment

ATASHA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with