^

Pang Movies

Coco at Julia, sa abroad ikinasal?!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Coco at Julia, sa abroad ikinasal?!
Coco at Julia

Naging emotional ang aktres na si Julia Montes sa announcement ng kanyang pagbabalik sa primetime TV series sa pamamagitan ng Philippine adaptation ng hit Nippon TV series na Mother na ginawang Saving Grace sa Pilipinas dahil isa umano si Deo sa mga taong naniniwala sa kanyang kakayahan maging sa iba pang actors kung saan kasama rin ang kanyang longtime partner na si Coco Martin.

Sa nalalapit na pagbabalik ni Julia sa primetime kung saan niya makakasama ang Megastar na si Sharon Cuneta, Sam Milby, Janice de Belen, Christian Bables at iba pa, isa si Coco sa natutuwa for her dahil matagal din niyang inasam ang makabalik sa primetime series.

Sa pagkakaalam ko ay may tinapos na pelikula sina Coco at Julia na pinamahalaan and produced ni Brillante Mendoza na hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapalabas sa mga sinehan.

Speaking of Julia, may mga nagsasabi na baka nagpakasal na sila ni Coco sa ibang bansa lalupa’t napapabalitang may dalawa na silang anak at 12 taon na ang kanilang relasyon.

Hindi kaya?

Ex-Beauty Queen Anjanette Abayari, buhay mayaman sa Amerika

Ngayong araw ng Miyerkules, July 17, 2024, ang alis pabalik ng Amerika ng US-based actress at dating beauty queen na si Anjanette Abayari kasama ang kanyang mister na si Gary Pangan na isang evangelist preacher and Bible teacher sa Amerika. Dumating ang mag-asawa sa Pilipinas para sa wake at burial ng grandmother ni AJ (Anjanette) sa Iloilo City. Pero bago ito bumalik ng Pilipinas ay nagkaroon ito ng pagkakataon na makapag-guest sa programa ng kanyang dating manager, ang King of Talk na si Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda at sa aming online talk show, ang  TicTALK with Aster Amoyo.

In the US, hindi gaanong aktibo si AJ sa activities ng mga Filipino community dahil bukod sa pagkakaroon niya ng sariling vlog (na may kinalaman sa mga salita ng Diyos), abala ito sa kanyang pagiging housewife to her husband na si Gary (Pangan) at kanyang teen-age sons na sina Aiden at Ashton na parehong talented singers and musicians.

Kung noon ay wala siyang alam sa pagluluto, ngayon ay kina-career na umano niya ito (sa tulong ng YouTube) at natutuwa siya dahil gustong-gusto umano ng kanyang mister at mga anak ang kanyang mga nilulutong Filipino food.

Napakalawak ng bahay at backyard ng mag-asawang AJ at Gary na may swimming pool, basketball and tennis court at garden kung saan kami dati namitas ng naglalakihang lemon fruits.

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with