^

PSN Palaro

Tres ni George naglusot sa Clippers sa Warriors

Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES — Isinalpak ni Paul George ang isang stepback three-pointer sa huling 9.2 segundo ng fourth period para itakas ang Clippers laban sa Golden State Warriors, 113-112.

Bumangon ang Lakers (9-10) mula sa 22-point deficit sa third quarter para resbakan ang Warriors  (9-11).

Matapos ang mintis na jumper ni Stephen Curry kung saan hawak ng Warriors ang 112-110 abante ay na­hablot ni Russell Westbrook ang defensive rebound at pinasahan si George para sa triple nito na nagbigay sa Clippers ng 113-112 abante sa natitirang 9.2 segundo.

Nadepensahan naman si Curry na napuwersang ipasa ang bola kay Draymond Green na bigong maikonekta ang potensyal na game-winning triple sa pagtunog ng buzzer.

Sa Milwaukee, tumipa si Giannis Antetokounmpo ng 32 points, 11 rebounds at 10 assists para sa kanyang unang triple-double sa season at ika-36 sa kabuuan sa 132-121 panalo ng Bucks (14-6) sa Atlanta Hawks (9-10).

Sa Dallas, umiskor si Jalen Williams ng 23 points sa 126-120 pagdaig ng Oklahoma City Thunder (13-6) sa Mavericks (11-8).

PAUL GEORGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with