^

PSN Palaro

Warriors ininda ang pagkawala ni Curry, yumuko sa Mavs; Bryant nagpasiklab sa balwarte ng Celtics

Pilipino Star Ngayon

BOSTON -- Kumamada si Kobe Bryant ng 15 points at 11 rebounds para sa Los Angeles  sa kan­yang pinakahuling laro sa Boston at iginiya ang Lakers sa 112-104 panalo laban sa Celtics.

Naglaro si Bryant sa loob ng 33 minuto at inilista ang kanyang unang double-double ngayong season.

Ito ang kanyang pang-173 career double-double.

Umiskor naman si Fil-Am guard Jordan Clarkson ng 24 points kasunod ang 19 ni Lou Williams sa pagpigil ng Los Angeles sa kanilang four-game slide.

Pinamunuan ni Isaiah Thomas ang Celtics sa kanyang 24 points.

Plano ng 37-anyos na si Bryant na magretiro matapos ang season.

Ito ang kanyang pang-173 career double-double.

Sa Charlotte, umiskor si J.J. Reddick ng 26 points, habang may season-best na 22 markers si Austin Rivers para igiya ang Los A­ngeles Clippers sa 122-117 panalo laban sa Hornets.

Nagdagdag si Chris Paul ng 19 points at 11 assists para sa Clippers.

Sa Dallas,  ipinalasap ng Mavericks ang ikalawang kabiguan ng nagdedepensang Golden State Warriors ngayong season nang kunin ang 114-91 panalo.

Nagkaroon si Warriors star Stephen Curry ng bruised lower left leg kaya hindi siya nakalaro sa laban ng Warriors sa Mavericks.

Nakuha ni Curry ang injury sa 122-103 panalo ng Warriors kontra sa Sacramento Kings kung saan siya nagtala ng triple-double.

ACIRC

ANG

AUSTIN RIVERS

BRYANT

CHRIS PAUL

DOUBLE

GOLDEN STATE WARRIORS

ISAIAH THOMAS

ITO

JORDAN CLARKSON

LOS ANGELES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with